^

PSN Opinyon

‘Steam inhalation’ para sa sipon, ubo at trangkaso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang tulong ng steam inhalation o paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig. May taglay itong water vapor na nakatutulong sa baradong ilong, sipon, ubo at sinusitis.

Ang steam ay nagpapaluwag ng baradong ilong. May tulong din ang steam inhalation sa may trangkaso, allergy, hika at pulmonya.

Paraan ng Steam Inhalation:

Heto ang kailangan mo: Isang malaking kaldero, 2 litrong tubig, malaking tuwalya, plastic na palanggana.

1. Magpakulo ng 2 litrong tubig (8 baso) sa isang kaldero.

2. Kapag kumulo na, isalin ang tubig sa isang plastic na palanggana.

3. Maghintay ng 10 minuto para palamigin ng bahagya ang tubig. Baka mapaso ka kung sobrang init. Pero kaila­ngan ay mainit pa rin ang tubig para may steam (usok) kang malalanghap.

4. Ipatong ang palanggana sa mesa at umupo sa harap nito.

5. Ilapit ang iyong mukha ng 6 inches sa mainit na tubig. Mag-ingat na hindi ka mapaso.

6. Itaklob ang tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito’y para makulob ang init at malanghap mo ang usok na nanggagaling sa tubig.

7. Dahan-dahang huminga sa ilong at buksan ng bahagya ang bibig. Huminga ng malalim kung kaya mo ang init. Itigil ito pagkaraan ng 2 minuto para hindi ka masyado mainitan. Ulitin ang paglanghap ng steam hanggang sa umabot ka ng 10 minuto.

8. Puwede kang mag-steam inhalation ng 3 o 4 beses sa maghapon.

Bukod sa paglanghap ng steam, kailangan mo ring magpasuri sa doktor para magamot ang iyong sakit. Baka may impeksyon ka at kailangan mo ng antibiotic, o may allergy ka.

Mabisa ang steam inhalation bilang pang-tulong sa iyong paggaling. Good luck

STEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with