^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi dapat itago ang pananagutan

Pilipino Star Ngayon

HINDI porke tinawag na ‘confidential’ ang pondo ay puwede na itong ­maging malabo.

Ito ang malinaw na aral sa ika-11 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung saan tumestigo ang dating COA auditor na si Roderick Wamil tungkol sa paggamit at liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President.

Mahalagang ulitin: confidential funds are still public funds. Galing pa rin ito sa taumbayan. Kaya kahit may mga ­detalyeng kailangang itago para sa seguridad o sensitibong operasyon, hindi dapat itago ang pananagutan.

Sa pagdinig, lumitaw ang seryosong tanong tungkol sa dokumentasyon ng ilang gastos. Ayon sa testimonya, may mga pondong ginamit umano sa gamot, biyahe, rewards, tables, chairs, computer equipment, at iba pang items. May mga acknowledgment receipts, pero ayon sa auditor, may mga kulang na supporting documents, may hindi malinaw na kaugnayan sa confidential operations, at may mga hindi sumusunod sa joint circular.

Hindi maliit na usapin ito. Ang Article I ay tumatalakay sa umano’y misuse ng P612.5 milyon na confidential funds kung saan P500 milyon mula sa OVP at P112.5 milyon mula sa DepEd. Sa ganitong ­halaga, hindi sapat ang simpleng paliwanag na “ginastos” o “na-liquidate.” Kailangang malinaw kung para saan, paano, kailan, at alinsunod ba sa patakaran.

Hindi hinihingi ng publiko na ilantad ang sensitibong operasyon kung may tunay na banta sa seguridad. Pero iba ang lihim na operasyon sa lihim na pagwaldas.

Dito mahalaga ang impeachment trial. Hindi ito dapat maging paligsahan sa pagitan ng majority at minority bloc. Dapat itong manatiling proseso ng ebidensiya. Ang depensa ay may karapatang sumagot. Ang prosekusyon ay may tungkuling magpatunay. At ang Senado ay may obligasyong makinig nang patas.

Pero hindi dapat mawala ang mas simpleng prinsipyo: ang paggastos ng pera ng bayan ay hindi dapat nawawala ang pagka-publiko dahil lang tinawag itong confidential.

Kung may resibo, ilahad. Kung may paliwanag, ibigay. Kung may paglabag, panagutin.

CONFIDENTIAL

FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with