Focus crimes sa Pinas, bumaba ng 36.12 percent!
MAY katwirang magsaya si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa pagpasok ng buwan ng Agosto. Bakit? Kasi nga mga kosa sa nakalipas na buwan ng Hulyo, dumadausdos pababa ang focus crimes sa Pinas. Halos 36.12 percent ang ibinaba nito. O di ba malaking achievement ‘yan? Anong sey mo PNP spokesman Col. Allen Rae Co Sir? Dipugaaaaa! SInabi ni Nartatez na sa buwan ng Hulyo nagtala ang PNP ng 2,209 focus crimes kumpara sa 3,458 noong nakaraang taon, na mas mababa ng 1,249 na kaso o 36.12 percent. Itong mga focus crimes ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motor vehicle theft at motorcycle theft. Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Nartatez na ang malaking ibinaba ng kaso ay ang rape na nagtala ng 56.93 percent, ang motor vehicle theft sa 46.15 percent, at motorcycle theft sa 42.59 percent. “These results reflect the continuing efforts of the PNP, together with our communities and partner agencies, to prevent crime, strengthen police visibility, and keep our neighborhoods safe,” ani Nartatez. Samantala, nagsagawa ng 5,526 anti-drug operations ang PNP na nagbunga sa pagkaaresto ng 6,368 katao, at pagkumpiska ng P387 milyon na droga. Umabot naman sa 8,199 wanted persons ang naitapon sa likod ng rehas na bakal. Sa anti-smuggling campaign, 2,927 operations ang ikinasa at nagresulta sa pagkorner ng 656 katao at pagkumpiska ng P628 milyon na cash at kagamitan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi lang naman sa focus crimes umani ng pogi points si Nartatez kundi maging sa seguridad ng BARMM elections kung saan nagtala ang PNP ng zero crimes mula noong Hulyo 16, ang simula ng election period na inilatag ng Comelec. Ayon kay Nartatez, may 12 katao na ang inaresto sa paglabag ng Comelec gun ban. Nakupoooo! Sobrang dami talaga ang kumakalat na armas sa BARMM, no mga kosa? “Our coordination with the Comelec is okay. The PNP is on top of the situation in coordination with the AFP and other law enforcement agencies,” ani Nartatez. May 41 araw pa para siguraduhing ang seguridad ng BARMM elections. Mismoooo!
May 9,463 kapulisan na naka-deploy sa BARMM elections sa September 14, kung saan may 400 kandidato ang nag-aagawan sa 86 positions. Abangan!
- Latest




















