Sastre to farming...CST Mushroom Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang makulay na buhay ng isang youth leader ng simbahan na isang sastre o mananahi, na nag-venture sa pagsasaka sa pamamagitan ng mushroom farming.
Ang aking tinutukoy ay si Christopher S. Tanangkil, owner and operation manager ng CST Mushroom Farm na makikita sa Purok 7, Barangay Upa, Mataas na Kahoy, Batangas.
Si Christopher ay mula sa Mindanao na napunta ng Batangas bilang isang sastre.
Habang nananahi ng mga damit ay nag-isip pa si Christopher ng puwede pa niyang pagkakitaan.
“Gusto ko talaga ay mushroom production dahil masarap, na masustansiya pa,” ani Christopher.
Dumalo si Christopher sa iba’t ibang seminar at sa tulong at gabay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay natuto siya sa pagtatanim ng mushroom at binigyan siya ng accreditation.
Para makatipid sa kanyang mushroom production ay puro Do it Yourself (DIY) ang kanyang gamit.
Nagsimula sa 100 fruiting bag, ngayon ay mahigit 1,000 na.
Dati ay Fresh Oyster Mushroom lang ang kanyang produce, ngayon ay may chips o chicharon mushroom na rin.
Mabilis na tinangkilik ang mga harvest na mushroom ni Christopher dahil ginamit niya ang social media para sa kanyang pagbebenta.
Sa ngayon ay patuloy ang paglago ng mushroom farm ni Christopher at hindi naman naapektuhan ang kanyang pagiging sastre.
Si Christopher ay youth leader ng kanilang New Life Christian Church at naniniwala na ang kanyang lumalagong mushroom farming at dahil sa gabay at bendisyon ng Panginoon.
Fresh Oyster Mushroom ba ang hanap mo? Araw-araw ay may harvest sa CST Mushroom Farm.
Sa mga gustong bumili ng sariwa, masarap at masustansiyang chicharon na kabute ay mag-text lang po kayo kay Christopher sa kanyang number, huwag po tawag sa 0970-113-99-61.
Puwede rin po kayong magpadala ng mensahe sa kanyang FB page na CST Mush-room Farm at sa Chris Tanangkil.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















