^

PSN Opinyon

‘Word war’ nina Lacson at Cayetano tumitindi

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Bagama’t humupa na ang kontrobersyal na “shooting incident” sa Senado, hindi naman tumitigil ang bangayan at patutsadahan ng mga senador sa mayorya at minorya dahil sa iba’t ibang isyu.

Bukod kina Senators Robin Padilla, Imee Marcos at Pia Cayetano na halos araw-araw ay laman sa social media, ma­init na pinag-usapan naman ang “word war” sa pagitan nina Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Alan Peter Cayetano (APC). Una nang pinuna ni Sen. Ping na tila malapit nang mag-melt­down si Cayetnao nang tawagin naman siyang “aso” ng huli. Pang-urot ni Lacson, sinagot niya ito ng – “Kawawa naman. Kung anu-ano na sinasabi. Parang malapit nang bumigay.”

Hindi naman ito nagustuhan ni Cayetano kaya patuloy ang kanyang pasaring sa kanyang mga FB live laban kay Lacson. May ngiti pa rin naman ang dalawa pero halatang kapwa urot na sa isa’t isa. Kaya ang puna ng mga netizens, tila nagkakapersonalan na.

Pero teka, nakahanap ng bombang panlaban si “Kuya Ping” na dinungisan ang integridad, para matigil na sa kakadaldal ang kanyang “bespren enemy” nang masilipan nito ng butas sa sarili nitong teritoryo sa Taguig City.

Magugunitang sinabi ni Lacson na may mga ebidensya na siyang nakalap para madiin sa mga kasong plunder, malversation, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Prac­tices Act ang mga sangkot sa mga kuwestyonableng proyekto na gumamit ng aniya’y “old at new tricks” sa Taguig, na ngayo’y nasa Office of the Ombudsman na para sa ebalwasyon at moto proprio investigation.

Dahil dito, umere uli sa FB live si APC para kontrahin ang kanyang Kuya Ping na unang tinawag nitong aso.

Tahasang sinabi ng balbas-sarado nang si APC na nakahanda niyang harapin ang mga ibinabato ng kanyang Kuya Ping na mga alegasyon, at itinanggi na hindi siya humihingi ng “ceasefire” sa huli.

Abangan na lang natin kung hanggang saan aabutin ang “word war” ng dalawa na posibleng bumagsak sa pagsasampa ng kaso at pagkakakulong.

APC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with