Para gumanda ang paa: Tamang pag-alaga
Ang paa ay binubuo ng 26 na buto, 33 joints, at daan-daang muscles, nerves at ligaments. Ang sakong ay binubuo ng matitigas na kasu-kasuan kung saan nagtatagpo ang mga binti at paa. Dahil sa komplikadong porma ng mga paa, may mga ilang sakit na maaaring mangyari.
Maaaring maiwasan ang mga problema sa paa at sakong kung tama ang sukat ng sapatos na susuotin.
Narito ang kailangan hanapin:
1. Tamang sukat ng sapatos na komportable ang mga daliri, kinakailangan na tama ang taas, lapad at haba.
2. Iwasan ang mga sapatos na pointed ang dulo.
3. Mababa ang heels. Nakatutulong ito para maiwasan ang problema sa likuran ng paa.
4. Rubber shoes, strapped na sandals at mga cushioned insole. Iwasan ang mga vinyl at plastic na sapatos dahil ang iyong paa ay hindi makakahinga kung ito ay magpapawis.
5. Bumili ng sapatos sa hapon o gabi. Dahil ang paa ay mas maliit kapag umaga at namamaga sa maghapon. Sukatin sa parehong paa. Habang nagkaka-edad, ang sukat ng sapatos ay pwedeng mag-iba.
- Latest

















