Mensahe ng survey‘wake-up call’ kay PBBM
Maituturing na panggising o “wake-up call” para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magkasunod na survey na kung saan ay bagsak ito sa trust at approval rating.
Ipinapakita ng survey ang hinaing ng publiko na nangangailangan ng mas konkretong aksyon sa mga isyu tulad ng inflation at kahirapan, lalo na’t nakikita ng karamihan na mas pinapaboran ng administrasyon ang mayayaman kaysa sa mahihirap.
Bumagsak ang trust rating ni Pangulong Marcos Jr. sa 28% at ang approval rating sa 29%, sa Pulse Asia Survey na isinagawa nitong Hunyo. Habang sa Social Weather Stations, ang kanyang trust rating ay nasa 34%.
Ang pagbagsak sa Pulse Asia at SWS ay sumasalamin sa lumalalang sentimyento ng publiko ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA).
Ang pagbulusok ay kadalasang iniuugnay sa mga sumusunod na isyu tulad ng patuloy na epekto ng implasyon, mataas na presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa suporta sa sektor ng agrikultura.
Ang mga kontrobersya tulad ng eskandalo sa pondo ng mga flood control project na nagdulot ng kawalan ng tiwala sa pananagutan ng ilang opisyal.
Ang ganitong mga numero ay nagsisilbing “wake-up call” o babala sa administrasyon upang ayusin ang kanilang mga prayoridad, partikular ang pagtugon sa gutom at kahirapan.
Ang patuloy na epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan na nagtataas sa presyo ng langis at pagkain, na nagpapabigat sa araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Lumalabas na persepsyon sa publiko na ang administrasyon ay nakatutok sa mga interes ng mga mayayaman kaysa sa mahihirap, na nagpapalalim ng hindi kasiyahan ng masa.
Sa mga pagsusuri ng mga survey, may bahagi ang taumbayan na nag-aasam ng mas direktang tulong at tugon, pero sa punto ng mga analista na mas nakapokus ang publiko sa pagpapababa ng presyo ng bilihin at paglikha ng trabaho kaysa sa pampulitikang numero.
Sa kabila ng pagbagsak ng rating ni Marcos, nanatiling matatag at mataas ang approval at trust ratings ni Vice President Sara Duterte,na nakakuha ng 56% hanggang 58% sa mga nasabing survey.
Bagamat ang mga numero ay nagsisilbing gabay o hamon para sa administrasyon, ang paninindigan ng Malacañang ay hindi kailanman naapektuhan ng mga survey ang pagtatrabaho ng Pangulo.
- Latest




















