Masakit ang leeg: Heto gagawin
Karamihan ng pananakit ng leeg ay kayang gamutin kahit nito:
1. Subukan ang mainit o malamig na compress. Nakababawas ito ng pamamaga sa pamamagitan ng pag-apply ng ice pack o ice na binalot sa towel ng mga 20 minutos ng ilang beses sa loob ng 1 araw. Pwede rin pagpalitan ang malamig at mainit na compress o tuwalya, depende kung saan ka mas komportable.
2. Subukan maligo ng maligamgam na tubig o gumamit ng heating pad at i-set ito sa mababa. Ang init ay makatutulong ma-relax ang pananakit ng muscle, pero huwag lang sobrang init.
3. Gumawa ng magagaan na stretching. Marahang igalaw ang leeg sa isang side at patagalin ng 15 segundo. I-stretch ang leeg sa iba’t ibang direksyon at tiisin kahit bahagyang masakit. Makatutulong ito para mapakalma ang sakit.
4. Madalas na ipahinga. Ito ay makatutulong lalo na sa mga nagmamaneho ng malayuan o nagtatrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer. Panatilihin na ang iyong ulo ay diretso sa iyong gulugod para mabawasan ang pangangalay.
5. Humiga sandali gamit ang mababang unan. Humiga para mabigyan ang leeg ng pahinga sa pagkakasuporta sa iyong ulo. Pero iwasan din ang mahabang pahinga, dahil ang mahabang oras na hindi ito ginagalaw ay maaari rin naman makapagdulot ng paninigas ng muscle sa leeg.
6. I-adjust ang iyong computer. Siguraduhin na ang mesa, upuan at computer ay naka-align para ang computer monitor ay nakapantay sa iyong mata. Kung uupo, ang tuhod ay kailangan mas mababa kaysa sa hips. Gamitin ang armrest ng upuan.
7. Maging maingat sa paggamit ng telepono. Iwasan ipitin ang telepono o cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang nagsasalita. Kung gagamit ng telepono o cellphone ng matagal, gumamit ng headset o earphone.
8. Sa pagtulog, pumili ng unan na puwedeng suporta sa natural na curve ng leeg. Kung hihiga ng naka-tihaya o naka-side, dapat may suporta ang leeg.
- Latest















