^

PSN Opinyon

Hindi tao ang kalakal!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HABANG patuloy ang laban kontra human trafficking o pagbebenta at panlilinlang sa kapwa, mas pinaigting ng gobyerno ang pakikipagtulungan sa ibang bansa para mapigilan ang sindikatong kumikita sa paghihirap ng tao.

Bumisita sa Pilipinas ang matataas na opisyal mula sa Kingdom of Saudi Arabia na kabilang sa kanilang National Committee on Combating Human Trafficking (NCCHT) upang pag-aralan kung paano hinaharang ng Pilipinas ang mga biktima at sindikato sa mga paliparan.

Sa NAIA Terminal 3, ipinakita ng Bureau of Immigration sa pangunguna ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang kanilang sistema sa pagbabantay sa mga biyahero, pagtukoy sa mga posibleng biktima ng human trafficking, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya para agad makapagligtas at makakilos laban sa mga sindikato.

Bahagi ito ng limang araw na palitan ng kaalaman sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia sa ilalim ng proyekto ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC). Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng dalawang bansa na pigilan, hulihin, at usigin ang mga nasa likod ng human trafficking.

Kasama sa delegasyon ng Saudi Arabia ang mga kinatawan mula sa kanilang mga ahensya ng hustisya, pulisya, ugnayang panlabas, paggawa, kalusugan, edukasyon, at karapatang pantao.

Ayon kay Viado, hindi sapat ang pagbabantay sa border lang. Kailangan din ang matibay na intelligence, mabilis na koordinasyon ng mga ahensya, at tuluy-tuloy na pakikipagtulungan sa ibang bansa upang mabuwag ang mga sindikatong nagbebenta ng kapwa tao.

Ipinakita rin ng Bureau of Immigration kung paano nila sinusuri ang mga pasahero, paano nila nahaharang ang mga kahina-hinalang biyahe, at paano inililipat sa tamang ahensya ang mga posibleng biktima habang hindi naaa­bala ang mga lehitimong biyahero.

Magandang hakbang ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ibang bansa laban sa human trafficking. Hindi biro ang krimeng ito dahil buhay at kinabukasan ng tao ang nakataya. Pero tandaan natin, hindi sapat ang magagan­dang presentasyon o mga pagpupulong kung sa dulo ay nakakalusot pa rin ang mga recruiter, fixer, at opisyal na nakikipagsabwatan. Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay kung mas maraming biktima ang naliligtas, mas maraming sindikato ang nabubuwag, at mas maraming utak ng human trafficking ang napapakulong. Hangga’t may mahihirap na napipilitang kumapit sa mapanlinlang na alok ng trabaho, may mga abusadong patuloy na mananamantala. Kaya dapat walang sinasanto at walang pinipili ang batas.

HUMAN TRAFFICIKING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with