^

PSN Opinyon

Fuel marker tiyaking ligtas, ‘independent testing’ isagawa

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan, nanawagan ang mga consumer groups sa bansang Kenya na magsagawa ng imbestigasyon at independent testing sa kanilang fuel markers matapos nilang makitaan ng mga compounds o “harmful contaminants” ang kanilang fuel supply chain.

Ayon sa Consumers Federation of Kenya (COFEK), nakumpirma ng kanilang kinomisyon na international accredited facility na ang fuel samples mula sa Kenya’s supply chain na nasuri ay may presensya ng “dangerous compounds”.

Dahil dito, maraming katanungan ang lumalabas, kung ligtas pa ba ang fuel markers na sinu-supply ng SICPA, ang parehong kumpanya na nagsusuplay ng fuel marker sa Kenya na ginagamit din sa Pilipinas.

Ang consortium ng SGS Philippines at SICPA SA, isang Switzerland-based company ay na-commisisoned para ipatupad ang fuel-marking program sa bansa, na siyang nagsu-supply ng ginagamit na marker, sa ilalim ng 5-taong kontrata.

Ang tanong--Paano kung ang pinangangambahang com­­pounds na ito ay nasa presensya na ng marker, anong mang­yayari kung masunog ito sa loob ng mga makina? Nakaka­pinsala ba ito sa mga emissions at sa kalidad ng hangin na ating nilalanghap? Magbibigay ba ito ng long term health risk sa mga motorista, commuters, mga bata at komunidad na naninirahan sa mga pangunahing lansangan?

Dahil sa mga alalahanin na ito, hinimok ang mga govern­ment regulators at policymakers na magsagawa ng “independent testing” at “comprehensive review” sa fuel markers na kasalukuyang ginagamit sa fuel marking program ng Pilipinas bago ang pagre-renew ng kontrata. Layunin nito na matiyak na ligtas sa mga tao ang fuel markers na ginagamit sa bansa.

Sa pangkalahatan, ang “fuel marker program” ng Pilipinas ay nagbibigay ng magandang revenue collections, nakatutulong ito na masugpo ang oil smuggling at nakakalikom ng pondo ng pamahalaan.

Noong 2019, nilagdaan ang Customs Memorandum Order­ No. 43-2019 na naglalayong ipatupad ang “Mandatory Fuel Marking Program for Petroleum Products” sa Pilipinas. Sakop­ nito ang pagsasagawa ng mandatory marking ng mga petroleum products na refined, manufactured, o imported gasoline, diesel at kerosene sa basa kabilang ang mga nasa Free Zones.

FUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with