^

PSN Opinyon

From DH to full-time farmer...Margie Mendoza plants nursery

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang magandang tinahak ng buhay sa paghahalaman ng isang dating Domestic Helper (DH), na ngayon ay full-time farmer at milyon na ang kinita.

Ang aking tinutukoy ay si Margie Mendoza, owner ng Margie Mendoza Plants Nursery na Barangay Balikong, Laurel Batangas.

Si Margie ay sampung taon na nag-DH sa United Arad Emi-rates (UAE) at noong mag-for-good na ay pinasok ang larangan ng agrikultura.

Napakaganda ng mga tanim sa Margie na karamihan ay rare variety na prutas na galing ng ibang bansa.

Ayon kay Margie, matapos ang 10-taon na pagiging DH dinala siya ng Panginoon sa paghahalaman.

“Una akong nakilala sa mga citrus na hitik na hitik sa mga bunga,” aniya.

Lumipas ang mga taon ay lalo pang nakilala si Margie at dinarayo ng maraming parokyano ga-ling sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, kaya siya nagtanim ng marami pang prutas na hindi masyadong nakikita sa Pilipinas.

Sa ngayon ay mayroon nang kalahating hektaryang taniman ng prutas si Margie.

Araw-araw ay may dumarayong kostumer kay Margie sa kanyang plant nur-sery sa Laurel Batangas at tuwing Sabado at Linggo ay nasa Centris ito sa Quezon City at may mabibili po kayo sa kanya.

Kabilang sa maraming kostumer ni Margie ay ang actor na si Gabby Concepcion, actress na si Zha-Zha Padilla at marami pang iba.

Sa ngayon ay mil-yon na ang kinita ni Margie sa paghahalaman.

Una kong nakilala si Margie sa AgriLink sa World Trade Center sa Pasay City dahil sa kanyang magagandang tanim.

Ilan sa mga tanim ni Margie sa kanyang plants nursery sa Laurel Batangas ay mga citrus, brazillian grape fruit o jaboticaba, violete na guava, yellow caimito, suha, seedless na avocado, queen manggo, loquat, langka at marami pang iba.

Majority sa mga binebenta ni Margie ay mga grafted fruit na isa hanggang dalawang taon lamang na aalagaan ay magbubunga na.

Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang “rate fruit” na tanim ni Margie ay mag-text lang po kayo sa 0908-240-93-99 o magpadala ng mensahe sa kanyang FB page na Margie Mendoza.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin ka-yong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa paghahalaman.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Ngayong Linggo, June 21, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Margie at Farm tour sa Margie Mendoza Plants Nursery TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Noong June 7, 2026 ay ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Da-ngal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

Stay safe, salamat po. Happy farming, God bless us all!

DOMESTIC HELPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with