^

PSN Opinyon

Boykot ng Senate majority, talo tayo d’yan

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Lalo pang nalugmok ang Senado dahil sa ginawang pag­boykot ng majority bloc sa sesyon nitong Lunes. Nag-walkout sila bilang protesta sa pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada, na kanilang itinuring na pag-atake sa “independence” ng Senado.

Ayon kay Sen. Ping Lacson, “pangho-hostage sa trabaho ng Senado” ang ginawa ng majority na malinaw na “dere­liction of duty” o pagtalikod sa tungkulin. Ang Senado ay hindi dapat gawing hostage ng emosyon o interes ng iilang mambabatas.

Dahil sa kawalan ng quorum, naiwanang nakabitin ang mahahalagang panukala gaya ng Magna Carta para sa Ba­rangay Health Workers, Anti-Hospital Detention Bill, kumpirmasyon ng mga heneral sa harap ng Commission on Appointments, at iba pa. Pati bulsa ng mamamayan ay tinamaan sa boykot.

Na­sayang ang oras at pondo ng Senado. Ang bawat oras ng boykot ay katumbas ng milyon-milyong pisong ginugol sa sahod, kuryente, at operasyon ng institusyon. Sa halip na mag­trabaho, pinili ng mayorya na mag-walkout na isang insulto sa mga Pinoy na naghihirap at umaasa sa kanilang pamumuno.

Nalimutan nila na ang Senado ay hindi sa kanila kundi para sa bayan. Ang mandato nila ay magtrabaho para sa interes ng taumbayan, hindi para sa pansariling pride o pakisama. Ang loyalty nila ay dapat sa mamamayan, hindi sa kapwa politiko. Dahil habang nag-aaway ang mga senador, ang taumbayan ang nagdurusa.

Para sa ordinaryong Pilipino, ang boykot ay hindi para sa prinsipyo kundi pagtalikod sa trabaho. Hindi ito dapat gawing sandata laban sa kapwa mambabatas. Kung patuloy na gagawing hostage ang trabaho ng Senado, talo ang sambayanang Pilipino.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with