Informant sa panghoholdap sa doktor sa Negros, nagkapera!
DALAWANG araw matapos mag-viral ang panghoholdap ng riding-in-tandem sa isang doctor sa Bacolod City, nasukol ng mga operatiba ni PRO-Negros Island director Brig. Gen. Romano Cardiño ang mga suspects. Pinuri ni Cardiño ang lahat ng operating units bunga sa kanilang “swift and coordinated actions” upang maaresto kaagad ang mga suspects.
“From the moment this incident was reported, our personnel relentlessly pursued every lead, analyzed every piece of evidence, and maximized all available intelligence resources until the suspects were identified and apprehended,” ani Cardiño. “The swift arrest of these individuals reflects PRO NIR’s unwavering commitment in ensuring that offenders are brought to justice and that our communities remain safe and secure,” ang dagdag pa ni Cardiño. “Let this serve as a clear warning—those who commit crimes should expect that the law will pursue them relentlessly until they are held accountable,” aniya. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Binigyan-diin ni Cardiño ang maagang paglutas ng kaso bunga sa pakikipagtulungan ng isang police informant. Lingid sa kaalaman ng mga suspects, nakunan ng CCTV camera ang panghoholdap nila sa doctor sa GV Apartments, Bgy. 19, Bacolod City noong Mayo 28 na nag-viral pa sa social media. Nanlaban pa ang 30-anyos na biktima kaya lang na-overpower s’ya ng suspect. Nakilala ng police informant ang mga suspects at itinuga n’ya ang mga ito sa mga operatiba ni Cardiño. Sa pangunguna ni Col. Jay DImaandal, ang intel chief ng PRO-NIR CIDG at iba pang intel units, naaresto si alyas Rem, 37 sa Purok Ammaliz, Bgy. 40, Bacolod City,nitong Mayo 30. Ilang oras ang pagitan ng masakote naman si alyas Shan, 32 sa Block 85, Lot 16, Deca Homes, Bgy. Cabug, Bacolod City. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nabawi ng pulisya ang iPhone 17 at ang Samsung Galaxy A55 SG ng biktima. Kinumpiska naman ang motorsiklong Yamaha Sniper na ginamit ng mga suspects sa kanilang “lakad.” Sinabi ni Cardiño na itong si alyas Shan ay may mga records na sa barangay at karamihan nito ay snatching. Purbidang yawaahhhhh! Nasa custody na ng Bacolod City police and dalawang suspects habang inihanda ang kasong isasampa laban sa kanila sa City prosecutor’s office. Hehehe! Swak sa banga kayo ngayon.
Teka, teka! Hindi lang ang biktima ang masaya dahil naibalik ng mga tropa ni Cardiño ang ninakaw sa kanya, kundi maging ang police informant. Bakit? Kasi nga mga kosa, nag-offer ng tig- P100,000 reward sina Cardiño at si Bacolod City Mayor Greg Gasataya para malutas ang kaso. Kaya’t biglang nagka-pera si police informant. Hehehe! Balato naman dyan. Abangan!
- Latest
















