Gen. Tuaño, gumawa ng history sa PRO6
GUMAWA ng history si PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño. Ha? Paano? Sinabi ng mga kosa ko na nangyari ang history sa unang command conference ni Tuaño noong nakaraaang Lunes. Siyempre andun ang command group, staff officers, mga PD at city director at iba pang opisyal ng PRO6. Dito ibinando ni Tuaño ang mga tagubilin n’ya para sundin ng kanyang mga tauhan, mula sa itaas hanggang sa ibaba o field nga. Kapag bago ang hepe nila, siyempre lahat nakatutok sa mga program of action ng kanilang hepe o director. Get’s n’yo mga kosa? Ang maganda d’yan mga kosa, pagkatapos ng command conference, lahat ng in attendance ay nakangiti. Ang nabigkas lang ng mga police officials ay “ngayon lang nangyari ito.” Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kayo na ang bahala mga kosa kung anong himala ang ginawa ni Tuaño ha? Basta ang sinisiguro ko, hindi naman ito bago dahil ginawa rin n’ya ito sa media sa Camp Crame, di ba Ma’m Lea Ylagan ng PNP Press Corps? Speaking of the media, nagsagawa si Tuaño, na dating PIO ng PNP, ng kalahating araw na media relations seminar upang pagtibayan ang ugnayan ng dalawang samahan. Nais ni Tuaño na palakasin ng PRO6 ang transparency, accountability, at responsableng pagbabahagi ng impormasyon sa media. Ang zoom event ay dinaluhan, hindi lang ng media, kundi maging ng mga commander at kapulisan sa iba’t-ibang panig ng Western Visayas.
Tinalakay sa orientation ang tamang paghahanda ng press statements, press releases, press briefings, at iba pang communication protocols na mahalaga sa propesyonal, responsable, at maagap na koordinasyon sa mga media partners. Nagsilbing guest sa orientation si NUP Bennette R. Ramos, writer mula sa Office of the Chief PNP. Ibinahagi niya ang mga praktikal na kaalaman at best practices hinggil sa responsableng media engagement at epektibong public communication.
Ayon kay Tuaño, mahalaga ang pagpapatibay ng komunikasyon sa media upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matiyak na mabilis na nakararating sa komunidad ang tama at beripikadong impormasyon. Abangan!
- Latest



















