^

PSN Opinyon

Iisang eksena, magkaibang pananaw ng babae’t lalaki

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Iisang eksena, magkaibang pananaw ng babae’t lalaki
Mula sa saliksik, “Gender-Based Heat Map Images of Campus Walking Settings: A Reflection of Lived Experience” nina Robert Chaney, Alyssa Baer, at L Ida Tovar (2024)

Kapag pinag-uusapan ang kaligtasan sa mga siyudad, unang napapagtuonan ang pailaw at disenyo. Pero ayon sa bagong saliksik ang agwat ng lalaki at babae ay hindi lamang sa kaligtasan ng katawan, kundi pati ng pananaw.

Sinarbey ang 571 mag-aaral sa kolehiyo sa Utah. Gumamit ng “heat maps” para matiyak kung ano ang pina­pansin nila. Resulta:

  • Magkaibang tuon - Nakatuon ang mga lalaki sa dulo ng nilalakaran. Pinapansin ng mga babae ang mga gilid-gilid: halamanan, mga anino, madidilim na pasilyo.
  • Mas malala kung gabi – Mas malawak ang kaibahan ng tuon kapag gabi. Mas lalong pinagtutuonan ng mga babae ang paligid ng nilalakaran. Pinapansin kung saan malamang mas peligroso.
  • Kahulugan ng estadistika – Magkaibang-magkaiba ang heat maps ng lalaki at babae. Lalo na sa pinapansin nilang banta sa kaligtasan.

Bakit mahalaga ito? Hindi lang ito isyu ng pag-iwas sa krimen. Kapag kalahati ng populasyon ay palaging nakatuon sa nagbabadyang peligro, nakokompromiso ang kanilang kalayaang kumilos.

Batay sa saliksik, kulang ang simpleng pagdagdag ng ilaw.

Dapat pahalagahan ang pakiramdam ng kaligtasan sa pagdisenyo ng siyudad. Kilalanin na natural ang reaksyon ng babae sa nararamdamang peligro. (Mas malamang na makaranas ng karahasang sekswal ang mga babaeng edad 18-24.)

Muli, sa pagdisenyo ng siyudad, hindi madaraan sa apps o pailaw lang ang pakiramdam ng kaligtasan. Pangunahin ang pananaw ng mga pinaka-bunerable sa paggawa ng safe spaces. Kapag ang disenyo ay para sa pinaka-kabado, mas makakaramdam lahat ng ligtas na lugar.

Halaw ito sa artikulo ng UN-Habitat.

SIYUDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with