^

PSN Opinyon

‘Circus sa Senado’

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang naging damage sa imahe ng Senado nitong mga nakaraang araw. Mula sa pagiging “august chamber­” na dating simbolo ng dignidad at independensiya, bigla itong nagmukhang entablado ng political circus.

Sa mismong araw na pirmado ng 257 kongresista ang impeach­ment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, biglang nagpalit ng liderato ang Senado. At sa lahat ng puwedeng iluklok, si Senador Alan Peter Cayetano pa — isang puliti­kong­ kilala sa pagiging madaldal, emosyonal, may pagka “kapa­yason,” at mahilig gumamit sa pangalan ng Diyos pero ma­­da­las kabaliktaran naman ang ipinapakita sa pulitika.

Doon pa lang, mali na ang timing at mali na ang mensahe. Marami mang Pilipino ang may simpatiya pa rin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ibig sabihin ay ganoon din kalakas ang suporta nila kay VP Sara Duterte. Kaya ang naging dating ng Senate power shift ay hindi neutrality kundi isang rescue operation para sa kampo Duterte.

Pagkatapos, sumabog ang mas malaking eksena — si Sen. Bato dela Rosa. Inamin mismo ni Cayetano na ginamit ang kanyang sasakyan para maipasok si Bato sa Senado. Malinaw na may naggamitan. Ginamit ni Bato ang majority bloc para sa proteksiyon at para depensahan si VP Sara, habang ginamit naman ni Cayetano ang sitwasyon para patatagin ang kanyang pag-upo bilang Senate President.

Pagkatapos nito, umikot ang viral CCTV videos ni Sen. Bato na mabilis na tumatakbo sa loob ng Senado habang may mga NBI personnel na nakaabang sa labas. Social media agad ang nagbinyag dito bilang “Amazing Race Se­nate Edition.”

Sa halip na magmukhang matatag na dating­ PNP chief, ang nakita ng publiko ay isang senador na tila des­­peradong umiwas sa pag-aresto. Mas lalong lumala nang magwala si Bato laban sa media gayong trabaho lamang ng mga mama­mahayag ang mag-report at mag-imbestiga.

Samantala, ang ilang majority senators ay nag-live pa sa social media habang sinasabing “under siege” at “under attack” daw ang Senado. Pero maya-maya, makikita silang nagkukuwentuhan, kumakain, at tila nanonood lang ng palabas. Ang dating tuloy, natakot lang sila sa sarili nilang anino. Sa totoo lang, parang horror-comedy ang buong eksena. Akala mo si Darryl Yap ang direktor ng palabas.

At ang pinakamabigat: ang warning shot. Lumabas sa findings ng PNP na walang imminent threat o panganib sa buhay nang magpaputok si suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. Ang mga NBI personnel ay nasa GSIS side na — labas na sa hurisdiksyon ng Senado. Lumalabas ngayon na doon sana idadaan ang exit route ni Sen. Bato ngunit may nakaabang na NBI personnel kaya nagkaroon ng warning shot para maitaboy ang mga ito.

Ang nakakalungkot, hindi lang mga personalidad ang nasira rito kundi pati ang Senado mismo. Kapag ang isang institusyon ay naging katawa-tawa sa mata ng publiko, mas mahirap ibalik ang respeto kaysa makuha ang kapangyarihan.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with