Banta ni VP Sara kay Marcos, planado - Matibag

MANILA, Philippines — Ito ang Inihayag kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa pagharap nito bilang testigo ng prosecution panel sa Senate Impeachment Court nitong Martes na hindi lamang umano banta kundi pinaplanong talaga ang ‘assassination threat’ ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang banta sa pambansang seguridad.
Sinabi ni Matibag na ang “assassination threat” ay nanatiling bahagi ng pagpapatuloy ng imbestigasyon at ang nasabing pagbabanta ay trinatrato ng NBI na hindi lamang basta banta kundi planong pagpatay na kabilang sa mga pinagbabantaan ay sina First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.
Binigyang diin ni Matibag na ang trabaho ng NBI ay hindi natatapos sa kriminal na reklamo sa kasong grave threats at inciting to sedition ay kasalukuyang nakabinbin sa Department of Justice (DOJ) at dahil dito’y binuo ang Special Task Force para ipagpatuloy ang imbestigasyon, pagmomonitor sa banta at mga report na nangangailangan ng agarang aksiyon.
Tinukoy ni Matibag ang direktiba sa Administrative Order No. 11 na inisyu noong Abril 16, 2026 ay iprinisinta ng prosekusyon na iprinisinta sa kautusan sa Exhibit P-429 at sinabing isusumite ang sertipikadong kopya.
“Nakasaad po diyan sa administrative order na iyan ang patuloy na pakikipag-ugnayan po sa Office of the Director, patuloy na pag-uulat kung ano po ang kanilang nakikita o namo-monitor. At lalong-lalo na po kung may specific na kailangang agad na matugunan, ay dapat ipaalam sa Office of the Director,” ayon kay Matibag.
Sinabi ni Matibag na binuo ang Task Force kaugnay ng pahayag ni VP Duterte at sa Abril 12 broadcast ng RAGE Coalition rally.
- Latest



















