Nagsimula sa 5,000 puhunan... MHS Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isa pang napakagandang farm na nagsimula lamang sa puhunan na 5,000 pero ngayon ay matagumpay na at napakalawak na ng taniman ng iba’t ibang uri ng prutas, na makikita Nueva Ecija.
Ang aking tinutukoy ay ang MHS Farm na pag-aari ni Mark Henry Soriano na makikita sa Purok 6, San Mariano West, San Antonio, Nueva Ecija.
Si Mark ay Information Technology (IT) gra-
duate pero mas pinili niya ang pagiging full time na magsasaka.
Napakaganda ng mga tanim sa MHS Farm na karamihan ay rare variety na prutas na galing ng ibang bansa.
Ayon kay Mark, bata pa lamang siya ay mahilig na sa pagtatanim ng prutas.
Aniya naisipan niyang magbenta at gawing negosyo ang pagpu-prutas dahil marami ang nagtatanong sa kanya.
“Una akong nakilala sa rambutan dahil nag-post ako sa social media na hitik na hitik sa bunga ang aking mga tanim,” aniya
Sinabi ni Mark, marami ang nagtatanong sa kanya kung nagbebenta siya ng rambutan kaya siya nagkaroon ng idea na magtanim ng marami nito at namuhunan ng 5,000.
Lumipas ang mga taon ay unti-unting nakilala si Mark at dinarayo ng maraming parokyano galing sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa kaya siya nagtanim ng marami pang prutas na hindi masyadong nakikita sa Pilipinas.
Sa ngayon ay mayroon ng 4.5 hectare na taniman ng prutas si Mark.
Araw-araw ay may dumarayong kostumer sa kanya at tuwing araw ng Sabado at Linggo ay puno ng tao ang farm nito.
Kabilang sa maraming kostumer ni Mark ay si Susan Enriquez, Nanay ni Ivana Alawi, Alice Eduardo ng Sta. Elena at marami pang iba.
Ilan sa mga tanim ni Mark sa kanyang farm sa buliran ay Brazillian Grape Fruit o Jaboticaba, dilaw na papaya, black zapote, violet na guava, yellow caimito, giant catalina na avocado, queen manggo, loquat, langka at marami pang iba.
Majority sa mga binebenta ni Mark ay mga grafted fruit at dwarf coconut na isa hanggang dalawang taon lamang na aalagaan ay magbubunga na.
Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang halaman na tanim ni Mark ay mag-text lang po kayo sa 0946-405-64-18 o magpadala ng mensahe sa kanilang FB page na MHS Farm.
Ngayong Linggo, May 17, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Mark at farm tour sa MHS Farm sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















