^

PSN Opinyon

Pila, perwisyo, at pulitika?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMARANGKADA si Senator Loren Legarda sa panawagang imbestigahan sa Kongreso ang sablay umanong pama­mahagi ng ayuda at iba’t ibang subsidy program ng gob­yerno, lalo na sa ilang barangay sa Batangas na sinasabing hindi patas ang distribusyon.

Kasabay ito ng pagtutulak ng anak niyang si Rep. Leandro Leviste sa Kamara para silipin kung bakit may mga kababayan na tila pinapaikot-ikot muna bago makatikim ng tulong mula sa gobyerno.

Sa inihaing Senate Resolution No. 381 noong Mayo 4, binanggit ni Legarda ang samu’t saring reklamo mula sa mga benepisyaryo na napipilitang magbabad sa mahahabang pila, siksikan, at magulong sistema para lang makuha ang ayuda na para naman talaga sa kanila.

Ayon pa sa resolusyon, hindi lang pila ang problema. May mga ulat din umano ng kulang-kulang na listahan, mabagal na proseso, at atrasadong pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan. Habang ang ordinaryong tao ay nakikipagsiksikan sa init at pagod, may ilan namang tanong nang tanong: saan ba talaga napupunta ang pondo at bakit parang hirap na hirap makarating sa dapat makinabang?

Para sa maraming Pilipino, hindi na bago ang eksenang ito mahaba ang pila, mabagal ang galaw, at ang mahirap, siya pa ang pinakahuling naaasikaso. Kaya ngayon, hinihirit ng ilang mambabatas na busisiin ang sistema para malaman kung may kapabayaan lang ba o may mga nakikisawsaw na naman sa ayuda ng bayan.

Disklaymer: Ang artikulong ito ay batay sa mga pahayag, resolusyon, at ulat na inilabas kaugnay ng panawagang imbes­tigasyon sa pamamahagi ng ayuda at subsidy program ng pamahalaan. Wala pang pinal na desisyon o konklusyon ukol sa mga alegasyon.

POLITICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with