^

PSN Opinyon

Ebidensya pabor o kontra VP Sara tinitimbang ng mamamayan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Ebidensya pabor o kontra VP Sara tinitimbang  ng mamamayan

Nu’ng Feb. 2025 umangal si VP Sara Duterte sa Korte Suprema. Kesyo inapura raw ang impeachment niya, kaya hindi siya nabigyan ng pagkakataong salungatin ang mga habla. Kinatigan siya ng 13 mahistrado. Sinabihan ang House of Reps na dapat bigyan siya ng kopya ng lahat ng ebidensya at testimonya, at imbitahan sa imbestigasyon.

Ngayon nahaharap sa panibagong impeachment si VP Sara. Nag-iingat sa proseso ang House of Reps. Iniimbita siya sa bawat pagdinig ng committee on justice. Nililimita ang mga tanong sa nilalaman lang ng mga sinumpaang salaysay. Binibigyan si VP Sara at mga abogado niya ng lahat ng pag­kakataon para sumalungat.

Pero hindi sumisipot si Sara sa imbestigasyon. Pati ang mahigit sa isang dosenang abogado niya ay absent. Puro press release lang siya para siraan ang mga testigo na kontra sa kaniya.

Pakay ni Sara supilin ang katotohanan. Tatlo ang paraan niya dito:

l  Maliitin ang impeachment bilang pamomolitika lang kontra sa pagtakbo niya para pangulo sa 2028;

l Ibaling ang isyu sa katiwalian, kapalpakan, at kalusugan ni President Bongbong Marcos;

l Gamitin muli ang Korte Suprema na panangga sa sakdal.

Pero lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. At taumbayan mismo ang titimbang sa mga ebidensya.

Tumestigo na si Ramil Madriaga. Idinetalye ang relasyon niya kina Digong Duterte at VP Sara. Dati siyang Duterte die­hard supporter. Taga-hatid din ng male-maletang pera sa mag-ama. Itinatanggi ni Sara na magkakilala sila. Pero nag­palabas ng video sa hearing; binabati siya ni VP Sara ng, “Happy birth­day, Kuya Rams.”

Minamaliit din ni VP Sara ang tatlong opisyales ng DepEd na umamin na sinuhulan niya sila. Pero lumalabas na mas mataas kaysa kay VP Sara ang pinag-aralan nila. Mas kapani-paniwala sila.

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with