^

PSN Opinyon

Tama na ang pa-pogi point SILG Remulla!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi mabenta itong patutsada ni Department of Interrior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na kilala na niya ang isang aktibong Police Major na nasa likod ng malawakang operasyon na nagma-manufacture ng pekeng sigarilyo diyan sa Negros Island Region.

Kasi nga, sawa na ang madlang pipol sa mga patutsada ni SILG Remulla sa tuwing may mga personalidad na isinasangkot sa malalaking kaso sa naghihikahos na bansang Pinas na kilala na agad niya kung sinu-sino ang mga ito at kasabay nito na kayang-kaya nang arestuhin. Hehehe!

Kung sabagay may katuwiran itong aking mga nakausap na mga Ilonggo dahil kung si Pet Master Atong Ang nga na isinasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero ay magpa­hanggang sa ngayon ay hindi pa niya naihaharap sa madlang pipol. Di ba mga suki? Puro na lang kasi pa-pogi point ang namumutawi sa kanyang nagtatalsikang laway sa harap ng mga media. Hehehe!

Ang kailangan kasi ng madlang pipol ay pruweba at hindi puro dakdak, dahil kung puro na lamang pa-pogi point aba’y nakakapuslit palabas ng bansa ang mga tinutukoy ni SILG Remulla na walang kaalam-alam ang kalihim. Gets nyo mga suki? Kaya’t sa kaso nitong Police Major na nasa likod ng malawakang operasyon ng pekeng sigarilyo diyan sa Bacolod City abay, di malayong makapuslit na naman ito sa mga kamay ni SILG Remulla.

Kasi nga sa tingin nitong aking mga kausap, dapat na ma­hubaran ng uniporme itong ‘Bugok’ na Police Major dahil Economic Sabotage itong pag-manufacture at pagbebenta ng mga pekeng yosi dahil walang ni isang katiting na buwis na nakukolekta ang pamahalaan at ang masama pa rito, oras na patuloy na mabibili ang mga ito sa mga tindahan siguradong lalaganap ang sakit sa baga at cancer dahil ang mga sangkap ng mga ito ay fake chemicals din umano. Madaling maibebenta ang mga ito dahil nga sa mura ang halaga ng mga ito kumpara sa mga tunay na sigarilyo.

Sa panahon kasi ngayon na iniinda na ng mga Ilonggo ang super taas ng presyo ng petrolyo natural lamang na kakagat ang mga ito sa mga murang produkto dahil iyon ay kayang-kaya nilang bilihin. At dahil nga sa pagpursige ng mga PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR sa ilalim na pamumuno ni P/Col. John Guiagui at ng buong puwersa ng Negros Island Region Police Office director Thomas Ibay, matagumpay na nasalakay ang mga pekeng sigarilyo.

Kaya’t mga suki, huwag nating balewalain itong mga illegal na operasyon ng mga pekeng yosi kung mayroon man sa ating lugar, agad na iparating sa ating mga kapulisan upang masalakay at malambat ang mga nagpapatakbo ng mga ito. Tandaan, nakasalalay sa ating pakikipag-ugnayan sa ating mga kapulisan ang ating kaligtasan.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with