^

PSN Opinyon

Mga panganib na sinusuong ng riders

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Dumami ang nagmo-motor sa Pilipinas noong pandemya (2020-2021). Umabot sa record-breaking ang benta noong 2025 o mahigit 1.79 milyon units sa buong taon. Ang paglobo ay dulot ng trapik sa Metro Manila at mataas na presyo ng gasolina.

Lalong dumami ang riders dahil sa food delivery at courier services. Motor ang mas mabilis na paraan para makalusot sa siksikan sa biyahe. Mas abot-kaya rin ang motor kaysa kotse, kaya mas praktikal para sa mga manggagawa. Mas madaling hulugan o i-finance kaya mas ­maraming nakaka-afford.

Pero kasabay nito ang paglobo ng mga aksidente sa kalye na kinasasangkutan ng mga motor. Araw-araw, may rider na tumitilapon, may pamilya na nagluluksa, may kalsadang nagiging sementeryo. Maraming rider ang walang helmet, walang lisensya, o lasing sa gabi. Ang kalsada naman, puno ng lubak at kulang sa ilaw.

Bawat aksidente ay kuwento ng buhay na naputol. Anak na hindi na nakauwi, ama na iniwan ang pamilya, kabataan na hindi na nakapagtapos.

Sa mga rider, disiplinahin ang sarili. Ituring ninyong obligasyon at hindi isang option ang pagsusuot ng helmet, lisensya at tamang bilis ng pagmamaneho.

Dapat din kumilos ang LGU at gobyerno, para ayusin ang lubak, maglagay ng ilaw, higpitan ang regulasyon, at magpatupad ng masinsinang kampanya sa kaligtasan.

Ang kalsada ay hindi dapat maging patibong ng kamatayan. Ang motor ay hindi kabaong na umaandar. Panahon na para igiit ang ligtas na kalsada para sa lahat.

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with