^

PSN Opinyon

Hazing sa PNPA matatapos na ba?

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Hindi bago ang kaso ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA). Madalas na malagay sa balita ang pagpapahirap ng mga upperclassmen sa kanilang underclassmen sa nasabing akademiya.

Ngunit bakit hindi natatapos at natitigil ang hazing? Ito ang malaking katanungan.

Tino-tolerate nga ba ng pamunuan ang hazing o “paghi­higanti” ng mga upperclassmen ngayon na dating under­classmen?

Nakalulungkot na may mga pumasok sa academy na hindi nasaktan ng kanilang pamilya subalit dumanas ng hirap sa mga kapwa kadete.

Hindi makatarungan ito lalo na sa isang ina dahil iba ang anak ‘pag sinaktan ng ibang tao. Kaya naman may mga magulang na ayaw papasukin sa PNPA ang kanilang anak dahil sa hazing. Aminin man o hindi ng PNPA na may hazing.

Sa hazing na nangyari kamakailan na sa 22 kadete, malaking hamon ito kay PNPA Director PBGen. Redrico Maranan. Kaya ba niyang ipatigil ang hazing?

Bagama’t 7 upperclassmen ang kinasuhan, dapat na sigu­raduhin ni Maranan na ito na ang huling kaso ng hazing sa PNPA.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with