^

PSN Opinyon

Ayuda na nauuwi sa trahedya

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sa bawat pila para sa ayuda, may kasamang pangamba hindi lamang kung makakakuha ba ng tulong, kundi kung ligtas bang makakauwi.

Sa mga nakaraang distribusyon ng ayuda, ilang kaba­bayan ang nasawi dahil sa init, siksikan, at kawalan ng maayos na sistema. Ang mga ganitong pangyayari ay hindi dapat maging normal na bahagi ng ating lipunan.

Ang ayuda ay nakalaan upang magbigay ginhawa sa mga pinakaapektado ng krisis pandemya man, kalamidad­, o kagipitan. Ngunit sa halip na magdala ng kagin­hawaan, nagiging sanhi ito ng panganib dahil sa kakulangan ng organisasyon at koordinasyon.

Ang kawalan ng malinaw na sistema ng pamamahagi ay nagbubunga ng siksikan, mahabang pila, at matinding pagod. Sa halip na maramdaman ang tulong, nagiging karanasan ang pangamba at panganib.

Ang pagkamatay sa pila ng ayuda ay hindi simpleng aksidente. Maaaring kulang sa epektibong pamamahala. Ang ayuda ay dapat na simbolo ng pag-asa, hindi ng trahedya.

Kung tunay na layunin ng pamahalaan ang magbigay ginhawa, dapat itong sabayan ng maayos na sistema ng distribusyon gaya ng paggamit ng digital platforms o community scheduling, mas maayos na crowd control, at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at barangay.

Sa huli, ang ayuda ay hindi dapat maging laban para sa buhay. Ang bawat buhay na nawala sa pila ay paalala na ang tulong ay walang saysay kung hindi ligtas na na­ipararating.

AYUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with