Pakwan: Maraming benepisyo
1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. May tulong din sa may high blood.
2. Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapalakas sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
3. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser.
4. Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer.
5. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pagbawas sa bad breath.
6. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.
7. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo.
8. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan.
9. Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
* * * * *
Kalyo na makapal at matigas
Ang kalyo ay matigas na layer ng balat na nabubuo para protektahan ang iyong balat sa pagkaka-kiskis at sa pressure.
Kadalasan ito makikita sa mga kamay at paa. Hindi naman ito nakasasama. Ngunit ang paggamot nito ay kina-kailangan lamang kung nagdudulot ito ng hindi magandang pakiramdam sa iyo.
Tips para makaramdam ng ginhawa at makaiwas sa pagkakaroon ng kalyo:
1. Mag-suot ng tamang sukat ng sapatos para hindi maipit ang mga daliri - Bumili ng sapatos na malambot ang suwelas. Piliin ang tamang sukat lamang, huwag maliit o malaki ang sapatos. Magsuot ng medyas para hindi kumiskis ang balat.
2. Mag-suot ng gloves - Kung mabigat o paulit-ulit ang gawain na ginagamitan ng kamay magsuot nito. Puwede din lagyan ng padding ang mga bagay na gagamitin tulad ng basahan pang-cover dito.
3. Ibabad ang mga kamay at paa sa maligamgam na tubig - Ang tubig na maligamgam ay nakapag-papa-lambot ng makapal at matigas na kalyo.
4. Gumamit ng panghilod na bato - Sa tuwing matatapos maligo, kuskusin ang kalyo ng batong panghilod, o kaya naman ay telang pangkukos para unti-unti itong numipis. Hindi ito ine-rerekomendang gawin para sa may diyabetes.
5. Subukan gumamit ang corn dissolvers na mayroong salicylic acid - Ito ay plaster-pad o kaya naman ay solution. Maaari itong bilhin sa drug store.
6. Gumamit ng moisturizer - Maglagay ng moisturizing cream araw-araw sa iyong mga kamay at paa para mapanatili itong malambot.
Kung ang kalyo ay naging mas masakit o namamaga, kumonsulta sa iyong doktor.
- Latest















