^

PSN Opinyon

Plan ‘B’ si Baste?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Umugong ang pangalan ni Davao City Mayor Baste Duterte na posibleng ipalit kay Vice President Sara sa pag­takbo sa 2028 presidential elections.

Ito’y kung tuluyang ma-impeach si VP Sara.

Si Baste raw ang “plan B”. Kasunod nito ang pag­hirang kamakailan kay Baste bilang bagong pangulo ng PDP-Laban na sinundan ng pagtatalaga sa kanya bilang pinuno ng Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition.

Isa itong malawak na movement hindi lang sa 2028 election kundi sa direksyon ng bansa.

Si Baste ang inilagay sa posisyon dahil nakitaan umano ng pagiging decisive leader sa kanyang pamumuno sa Davao City. Ipinagpatuloy nito ang peace and order frame­work ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung magtatagumpay daw ang mga nais tanggalin si VP Sara ay si Baste ang “plan B”.

Maging si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na isa sa pabor sa impeachment ay naniniwala na si Baste ang “plan B” para kay VP Sara.

Ayon sa kanya, handa si Baste bilang “Plan B” ng kampo ng Duterte at patuloy nilang lalabanan ang impeachment dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

Kaya ang RAGE Coalition ay hindi lang alliance ng mga politiko kundi pagsasama-sama ng mga regional leaders, grassroots leaders at mga Pilipinong naniniwala na may unfinished pa ang Duterte brand of government.

Ayon naman kay Sen. Robin Padilla, ang panguna­hing layunin ng RAGE Coalition ay hindi para isulong ang karahasan kundi isang politikal na pagkilos laban sa ka­tiwalian.

BASTE DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with