^

PSN Opinyon

E-sabong sa Bulacan, wazak!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SOBRANG tagal nang nag-o-operate itong e-sabong sa sabungan sa San Ildefonso, Bulacan subalit hindi ma-raid-raid ito kaya’t naibulalas ng mga cockfighting afficionados na “untouchable” ito. Hindi pala! Kasi nga mga kosa, nilusob ng kapulisan ang e-sabong sa M.R.S. Cockpit Arena na ma­tatagpuan sa Bgy. Malipampang, San Ildefonso nitong Abril 8 at inaresto ang 14 empleyado nito at dalawang sugarol na may baril. Sinabi ng mga sugarol na ang nagpapatakbo ng e-sabong ay isang alyas Boss Cholo. Tsk tsk tsk! Kapag binanggit mo ang anumang illegal, nakakabit palagi itong pangalan ni Boss Cholo ah. Pasok sa lahat ng pagkakitaan? Hehehe! Nakatagpo ng katapat si Boss Cholo sa katauhan ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez. Ganun na nga!

Ipinaliligpit na ni President Bongbong Marcos itong e-sabong matapos mawala na parang bula ang mga sabungeros subalit malakas talaga ang loob ni Boss Cholo na suwayin si BBM, no mga kosa? Dapat na sigurong tuldukan ang mga illegal na aktibidades ni Boss Cholo para mabigyan ito ng leksiyon. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Matapos makarating sa atensiyon ni Mendez ang kalokohan ni Boss Cholo, inutusan nito si Bulacan PD Col. Jay Baybayan at RSOG chief Lt Col. Lory Tarrazona na tuldukan na ang e-sabong. Behhhhh buti nga! Super busy sa ngayon ang mga tauhan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., hindi lang vs e-sabong, kundi maging ang “paihi”, nagbebenta ng mahal na krudo, at iba pa. Tama lang naman dahil sa sobrang mahal ng fuel products sa ngayon. Mismooooo!

Kinilala ni San Ildefonso police chief Lt. Col. Gilmore Wasin ang mga inaresto na sina Regie Evangelista, 42, listador; tellers­ na sina Abigail Pascual, 26; Alexy Joy Reyes Gatchalian, 36; Ivory Toledo, 36; Angel Bermio, 21; Sherly Gatchalian, 38; at Roneth Piadozo Angelo, 24; referee na si Leonides Clemente Manalili, 55; kasador na si Rodolfo Alejandro Beltran Jr, 48; teller-admin na sina Joel Clemente, 42; Arvin Parungao27; Robert Garcia, 39, at Rafaelito Tolentino, 26. Nakumpiska sa kanila ang 10 Point of Sales (POS), dalawang desktop na ginagamit bilang in-cockpit betting station at dalawang units ng camera. Araguyyyyy! Hehehe! Sapol kayo ngayon1

Inaresto rin ang negosyanteng si Joseph Castro, 59, at private security officer na si Manuel Ubaldo, 64, dahil sa pag-iingat ng baril. SInabi ni Mendez na lisensiyado ang mga nakumpiskang baril kaya lang bawal ito sa loob ng sabungan, di ba mga kosa?

Bakit kaya maraming tulad ni Boss Cholo ang sumusuway sa kautusan ni BBM na itiklop na ang e-sabong? Anong sey n’yo mga kosa? Kasi nga may na-raid ng e-sabong sa Tondo, Manila at sa Tubay Agusan del Norte subalit mayroon pang nag-ooperate kasi bongga ang kita. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

E-SABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with