^

PSN Opinyon

Dahil kay Duterte mali naging tama

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Dahil kay Duterte mali naging tama

Pag-isipan natin itong pahayag ni Atty. Carlo Ybanez:

“Dahil kay Duterte, ang mali naging tama. Bago duma­ting ang mga Duterte sa buhay mo, ‘di ba malinaw naman sa’yo kung ano ang tama at mali? ‘Di ba dati alam mo namang mali ang pumatay ng tao? Alam mo rin na mali mambastos ng babae. Mali bastusin ang Diyos. Mali lumabag sa batas. Mali magbanta pumatay ng tao. Mali kumampi sa dayuhan laban sa sariling bayan.

“Dati-rati obvious sa’yo yan. Pero ano ang nangyari nu’ng dumating si Duterte sa buhay mo? Unti-unti mong dina-justify na ang mali pwede maging tama. Biglang pwede nang pumatay ng tao, basta adik. Pwede nang mambastos ng babae, basta ang presidente ang gumawa at joke lang ‘yon. Pwede nang tawagin stupid si God.

“Hindi ko alam paano niyo dina-justify sa sarili niyo. Pero ayun, tama na rin sa’yo ‘yan. Pwede nang labagin ang batas dahil hindi naman importante ang right to due process, right to privacy, right to travel, at iba pang mga rights na ‘yan. Pwede nang mag-death threat sa kalaban. Pwede nang ipamigay ang teritoryo ng bansa kasi hindi naman natin kaya ipagtanggol.

“Hindi d’yan nagtatapos ang metamorphosis mo. ‘Yong dating mga mali, ngayon hinahangaan mo na. Nagiging virtue na para sa’yo. Ang pumapatay, matapang. Ang nambabastos ng babae, macho. Ang walang galang sa Diyos, honest. Ang lumalabag sa batas, madiskarte. Ang kumakampi sa dayuhan, praktikal.

“Look at yourself in the mirror. This is the person you have become. Simula nang dumating si Duterte sa buhay mo, tinapon mo na ang prinsipyo mo sa basurahan. Tama ba ako o mali?”

Patama ito hindi lang sa mga Diehard Duterte Supporters. Pati mga kaaway nila ay bumaba sa lebel nila. Ginawa na rin tama ang mali.

Ano ang dapat nating gawin? (Itutuloy bukas)

CARLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with