^

PSN Opinyon

Anong silbi ng kautusan ng Pangulo, LTFRB?

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Matinding paghihigpit ng sinturon ang dinaranas ng mga motorista kasama na ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) dahil sa walang puknat na malakihang pagtataas sa presyo ng petrolyo dulot ng madugong giyera sa Gitnang Silangan.

Dahil dito, agad humirit ng dagdag pasahe ang mga PUVs na inaksyunan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at naglabas ng P1 fare hike.

Pero bago ang anunsyo ng LTFRB na fare increase, nagulat ang mga pasahero dahil nauna nang nagtaas ng pasahe ang mga provincial buses.

Sa inisyung tiket ng mga konduktor, mula Pasay hanggang Moncada, Tarlac o vice versa ay lumalabas na mahigpit 50 pesos ang itinaas sa pasahe o umaabot sa mahigit P400 pasahe sa kabuuan sa biyaheng Pasay-Moncada o Moncada-Pasay.

Dahil sa daing ng nakakarami, agad naglabas ng kautusan ang Pangulo na isuspinde ang P1 taas pasahe at sa halip ay bigyan ng P5K oil subsidy o cash aid ang mga apektadong tsuper sa bansa.

Bunsod nito, bumalik ng ilang araw ang dating halaga ng pamasahe sa mga provincial buses pa-Norte pero kalaunan ay balik din sila sa pagtataas ng pasahe.

Dahil sa suspensyon ng fare hike, nagtatanong tuloy ang mga pasahero kung bakit hindi ito ipinatutupad sa mga provincial buses.

Ano ba talaga ang susundin, LTFRB o ang kautusan ng Pangulo na suspendihin ang fare hike?

Paliwanag naman ng mga konduktor, puwede naman daw silang magtaas, dahil may “basbas” ng LTFRB.

LTFRB

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with