^

PSN Opinyon

Bungang Araw: Makating Butlig Sa Katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Mayroon ka bang kinakamot sa iyong balat? Makati at mapula ba ito at parang butlig ang hitsura? Tingnan ninyo maigi dahil posibleng bungang araw iyan.

Ang bungang araw (heat rash o prickly heat sa Ingles) ay mapupula at makakating mga butlig sa katawan. Kadalasan ay tabi-tabi itong mga butlig. Mukha rin itong maliliit na tigyawat.

Ang mga parte ng katawan na madalas tubuan ng bungang araw ay ang leeg, balikat, likod, dibdib at ­singit. Nag-uumpisa ang bungang araw kapag lagi kang pinapawisan at naiinitan. At kapag nagbara ang mga sweat ducts (daanan ng pawis), mag-iipon ito ng pawis at magiging bungang araw.

Tayong mga nakatira sa mainit na lugar ay mas nagkakaroon ng bungang araw. Kung mabigat ang iyong trabaho o nagsusuot ka ng makapal na damit ay puwede ring magka-rashes.

Heto ang mga paraan para makaiwas at malunasan ang bungang araw:

1. Gumamit ng powder para sa bungang araw. Ang tawag dito ay “prickly heat powder or lotion.” Mabibili ito sa botika at supermarket. Ipahid ito sa makating parte dalawa hanggang apat na beses sa maghapon.

2. Kung wala kang mabiling prickly heat powder, puwede rin ang baby powder, corn starch o baking soda bilang kapalit.

3. Para mabawasan ang kati, maaaring maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Isawsaw ang tuwalya sa solution na ito at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto.

4. Huwag ito kamutin dahil magsusugat at mag-iimpeksyon lamang.

5. Magsuot ng maluwag at preskong baro na gawa sa cotton.

6. Manatili sa mga lugar na malamig, o sa may air-con o bentilador.

7. Huwag lagyan ng maraming malalapot na lotion ang iyong balat.

8. Maligo araw-araw para manatiling presko at malinis ang katawan.

May mga sitwasyon na kailangan nang kumonsulta sa doktor. Kapag ang pasyente ay may lagnat, o may nana na lumalabas sa mga rashes, ipakita natin ito sa doktor. Simple lang ang gamutan sa bungang araw. Mag-powder at magpalamig palagi. Good luck po!

BALAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with