^

PSN Opinyon

LTO kinalampag sa ‘selective justice’

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

NAKAKABAHALA ang sunud-sunod na insidente ng road rage ng mga pasaway na driver na naitatala ng mga awtoridad.

Karamihan sa mga insidente, agad na nag-viral sa social media, kaya naman inaksyunan ito ng Land Transportation Office (LTO) at kinastigo ang mga sangkot na motorista. Isa na rito ay ang kaso ng isang driver na may sukbit na baril sa bewang na nanakit ng isang kapwa driver dahil sa away trapiko na nakunan ng CCTV. Dito, agad na napalabas ng show cause order ang LTO, at may resolusyon na agad sa kaso.

Pero teka, tanong ng mga taga Bulacan, kamusta na ang kontrobersyal na road rage na kinasangkutan ng presidential son na kinuyog ng mga armadong bodyguards ng isang gobernador?

Magugunita na Pebrero 21, pasado alas-7 ng gabi, isang mala-pelikulang eksena ang naganap sa NLEX matapos na mag-overtake ang sinasakyan ng presidential son sa convoy ng isang umano’y gobernador.

Dito agad naglabas ang LTO ng show cause order laban sa mga sangkot habang sumunod ang PNP na nag-utos na isuko at irevoke ang lisensya ng mga baril ng mga sigang bodyguards na kalaunan ay klinaro rin.

Sa show cause order ng LTO, agad nilang natukoy ang 4-convoy vehicle - Toyota Land Cruiser, Toyota Hilux at dalawang Toyota Hi-Ace vans.

Sinasabi sa mga balita na sasakyan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang Land Cruiser (Dubai Edition) na isa sa sangkot sa road rage.

Ayon sa aking bubwit, ang SUV ay “bullet proof” na ginagamit ng gobernador simula pa nang mag-assumed siya sa office noong 2019. “Totoo bang regalo ito ng isang contractor na may initial na “GDL” na maraming nakopo na proyekto sa Bulacan?,” tanong ng isang concerned citizen.

Sa kabila na viral sa social media ang insidente, walang inilalabas na imbestigasyon at resolusyon ang LTO sa naturang road rage.

Tanong ng mga taga-Bulacan… nagkakalutuan ba at may pinaiiral bang “selective justice” ang LTO?

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with