Benepisyo ng salabat at luya
Ang luya ay may tulong para sa masakit at pagod na kalamnan. Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakababawas ng paninigas at sakit ng 40%. Ang salabat ay maganda rin para sa pagduduwal, mabilis na pagpapagaling at pag-aalaga sa iyong boses.
Salabat (Ginger tea):
Subukan ninyo na uminom ng isang tasa ng mainit na salabat pagkagising sa umaga at sa bandang hapon. Ayon kay Dr Rafael Castillo, hindi lang ito pampaganda ng boses dahil marami pa itong mga benepisyo.
1. Pinapaganda ang takbo ng dugo - Nakakatulong itong gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may High blood pressure o mataas ang cholesterol. Nakakatulong itong linisin ang daanan ng dugo.
2. Nagpapalakas ng Immune system - May taglay itong Gingerols at Gingerdiol na nakakatulong labanan ang mga virus at bacteria, at palakasin ang resistensya natin. Tumutulong din itong labanan ang cancer cells.
3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng buwanang dalaw o dysmenorrhea.
4. Nagbabawas ng pamamaga o inflammation - Nakakatulong itong bawasan ang arthritis, at pananakit ng ibang parte ng katawan.
5. Para sa stress - Nagdadala ng ngiti sa labi dahil nagtataboy ito ng stress. Nakakatulong na makakalma nito ang ating nerves.
6. Nag-aayos ng panunaw at pagsipsip o pag-absorb ng sustansya mula sa ating mga pagkain.
7. Nakakatulong na ma-improve ang memory at ibang function ng utak natin.
* * *
May Kabag at Masakit ang Tiyan
Payo ni Doc Willie Ong
Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy
- Latest




















