‘Pruweba hindi pa-epal, SILG Remulla’
DAPAT lamang na hagilapin ng buong puwersa ng Philiipine National Police (PNP) National Bureau of Investigation (NBI) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) itong babaeng Tsino na tumakas matapos na mahuli nga itong 2 Chinese national sa sumadsad na speed boat sa Occidental, Mindoro at 2 Pinoy na inutusang mag-rescue sa 2 drug courier.
Kasi nga, hindi dapat puro daldal na lamang itong pa-epal ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla sa harap ng media, dahil sawa na ang madlang pipol sa puro pa-mura na pagpa-presscon ng kalihim. Hehehe!
Ang kailangan kasi nila ay pruweba sa trabaho bago ang ‘ngalngal’ sa bawat nakatakbong mga suspek.
Di ba mga suki? Ayon kasi sa mga nakausap ko, kung si Online Sabong Master nga lang ay hindi mahagilap gayong nasa 10 milyon na ang nakapatong sa ulo nito, ito pa kayang miyembro ng drug syndicate na dayuhan. Puro na lang kasi paghahanap sa kalawakan ang inaatupag ng ating Law Enforcers katulad na lamang sa nagtatagong si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sumasahod kahit hindi naman nagpapakita sa kanyang opisina sa Senado.
At si bilyonaryong Ako Bicol Partylist Rep. Rizaldy Co na ayon kay SILG Remulla ay tukoy na nila ang kinaroroonan ni Zaldy Co at hinihintay na lamang ang tamang panahon para maibalik ito sa bansa at harapin ang bilyon-bilyong nilusaw nito na flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
At nito ngang aksidenteng pagkatisod sa bulto-bultong shabu diyan sa may Mindoro aba’y, nagpa-epal na naman ito na hindi niya titigilan ang itong naka-pugang babaeng Tsino kasi nga natumbok ni Remulla na itong babaeng Tsino ang nagpapasok ng 2 dayuhan sa bansa at maging ang apartment at speed boat na ginamit ng 2 ay siya rin ang umasikaso. Kinarma lang itong 2 Tsino matapos na sumadsad sa baybayin ng Occidental Mindoro kung kaya’t ang Hukbong Pangkatihan natin ang naka-recover ng bulto-bultong shabu at paghuli sa 2 Chinese National.
Kaya’t may katuwiran itong aking mga nakausap na dapat paigtingin ni PNP chief P/Gen. Melencio Nartatez ang pagbabantay sa mga baybaying lugar ng bansa dahil malaki ang hinala na dahil sa higpit ng seguridad sa Pier at sa mga Airport Terminal ay sa karagatan na pinadadaan o pinalulutang ang mga droga. At dahil nga krisis tayo ngayon sa Petrolyo malamang na hindi masyado mag-patrolya itong mga bataan ni PNP chief Nartatez sa Maritine Group. Hehehe!
Kaya’t dapat na palakasin ni PNP Chief at SILG ang kanilang mga Intelligence Group upang mapadali ang kanilang paghahabol sa mga kontrabando o sindikato na naglalamyerda sa karagatan. Tigilan muna ang pa-epal, ang kailangan ngayon ng Madlang Pipol ay “Pruweba’ at hindi ‘Daldal’ para malambat itong mga big-time na sindikato na sumisira sa imahe ng bansa.
Abangan!
- Latest
















