^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagsakan ng shabu!

Pilipino Star Ngayon

ANG Pilipinas ay bagsakan ng shabu! Dito dinadala ang shabu sapagkat alam nilang madaling makalusot. Kapag nahuli, madaling suhulan ang mga awtoridad. Pera-pera lang ang labanan. Kahit pa gaano karaming shabu, lulusot at lulusot dahil sa itatapal na pera sa mga awtoridad. Karaniwang mga Chinese ang nagpapasok ng shabu sa bansa. Iba’t ibang paraan ang kanilang ginagawa para makapagpasok ng shabu

Noong Miyerkules, isang speedboat na may kargang 43 sako ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon ang naharang ng mga sundalo­ sa karagatang sakop ng Bgy. Paluan, Occidental Mindoro. Bago iyon, napansin ng mga sundalo na may dalawang Pinoy na lulan ng bangkang de-motor ang paikut-ikot sa lugar na kinaroro­onan ng speedboat. Nang inspeksiyu­nin ang speedboat, nakita ang mga sako ng shabu. Napag-alaman na ire-rescue pala ng dalawang Pinoy ang dalawang Chinese kaya paikut-ikot ang mga ito sa lugar. Ang dalawang Pinoy ay nanggaling pa ng Nasugbu, Batangas. Inaresto ang dalawang Pinoy at ang dalawang Chinese. Ina­min ng mga Pinoy na ipinadala sila sa lugar ng may-ari ng speedboat para tulungang makatakas ang dalawang Chinese.

Iba’t ibang paraan ang ginagawa ng mga Chi­nese para makapagpasok ng shabu. Sa dagat na nila idinadaan. Noong Hunyo 2025, maraming­ nasagip na shabu sa karagatang sakop ng apat na bayan sa Cagayan. Nakarekober ang mga awtoridad ng P500 milyon halaga ng shabu sa baybayin ng Claveria, Gonzaga, Santa Ana at Sta Praxedes.

Sabi ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency­ (PDEA), ang paghahagis o pagpapaanod sa ka­ragatan ang bagong estilo ng sindikato para ma­­ikalat ang droga. Kapag naihagis na sa dagat­, sasagipin naman ito ng mga kontak nilang tao. Pawang ang mga nakukumpiskang shabu nga­­yon ay idinaraan sa dagat. Dagat ang naisip na paraan ng drug syndicates para maikalat ang shabu­ sa maraming bahagi ng bansa. Sa lawak ng baybayin ng Pilipinas, madaling maipaanod sa dagat ang illegal drugs.

Noong Hunyo 20, 2025, nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy sa pakikipagtulu­ngan ng PDEA ang P10 bilyong halaga ng shabu sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales. Nakalagay sa 50 sako ang shabu na tumi­timbang ng 1.5 tonelada. Ayon sa PN, ito ang pinakamalaki nilang huli sa kasaysayan.

Bagsakan ng shabu ang Pilipinas. Sa dagat na nila idinadaan ang shabu para hindi matik­tikan ng mga awtoridad. Hingin ng PDEA ang tulong ng PCG at Philippine Navy upang madaling matugaygayan ang sea vessels na nagbabagsak ng droga sa laot. Hingin din ang tulong ng mga mangingisda para masakote ang Chinese drug traffickers.

CHINESE

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with