Noong si Sara ay umiyak
Masasabing sa unang pagkakataon ay hindi napigilan ni Vice President Sara Duterte na umiyak noong ikinuwento niya sa mga dumalo sa isang conference dito sa Davao City na naalala niya ang kanyang mga dating kasamahan sa city hall.
Naging three-term mayor din si Sara kahit na nagsimula siyang maging vice mayor ng kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2007.
Kahit ganyan katapang tingnan si Sara ay may soft spot din siya para sa kanyang pamilya at sa mga Dabawenyo lalo na ‘pag naalala niya ang mga araw niya dati rito noong alkalde pa siya ng Davao City.
Kaya nga sinabi niyang paano kaya kung nagdesisyon siyang tumakbong mayor uli ng Davao City kesa tumakbong pangalawang pangulo ng bansa.
Hayun at lumuha nga ang isang Inday Sara. (ERR)
- Latest
















