^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Numero uno ang panunuhol

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Numero uno ang panunuhol

SA isinagawang survey ng OCTA Research, lumabas na 73 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na ang panunuhol o bribery ang nangungunang uri ng korapsiyon sa bansa. Ginawa ang surbey noong Dis­yembre 2025, na kinomisyon ng Office of the Ombudsman. 

Pumapangalawa naman ang iregularidad sa paggamit ng pondo ng pamahalaan (66 percent); pami­mili ng boto (62 percent); mabagal na usad ng hustisya (54 percent); iregularidad sa public procurement (32 percent) at nepotism (14 percent).

Ang panunuhol ang numero unong uri ng korapsiyon sapagkat halos lahat ng ahensiya ng gobyerno ay mayroon nito. Laganap ang suhulan sa Land Transpor­tation Office, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Im­migration, Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways, Philippine National Police at ma­rami pang ahensiya. Sa mga tanggapang ito, hindi ga­galaw ang papeles kapag walang “padulas”. Kung gus­tong maging mabilis ang paggalaw ng papeles, dapat iipitan ng pera ang dokumento. Kung walang nakaipit, aabutin ng siyam-siyam ang nilalakad na papeles.

Nakaugalian na ang panunuhol. Kailangang may “padulas” para mabilis ang transaksiyon. At tila ang uri ng korapsiyon na ito ay hindi maputul-putol. Walang may kakayahang putulin ang korapsiyon na ito.

Kamakailan, inilabas ng 2025 Corruption Perceptions­ Index (CPI) ng Transparency International ang mga bansang laganap ang korapsiyon. Nasa ika-120 pu­westo ang Pilipinas. Pinakamababa ang puwesto ng Pili­pinas sa mga bansa sa Southeat Asia kung saan ang Singa­pore nasa ikatlong puwesto; Malaysia (54), Brunei (63), Timor-Leste (73), Vietnam (81), Laos (109), Indo­nesia (109), at Thailand (116).

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 32 sa 100, mas mababa sa global average na 42, at mas mababa rin kumpara sa score nitong 33 noong 2024.

Laganap ang panunuhol sa maraming ahensiya ng pamahalaan. Kung hindi madudurog ang uri ng korapsiyon na ito, walang dayuhang investors na maglalagak ng kanilang pera sa bansa. Hindi sila baliw para mag-invest sa bansang kailangan muna ang padulas bago makapagnegosyo.

Durugin ang panunuhol. Ito ang salot sa mga ahen­siya ng pamahalaan. Gawin na ito habang maaga para maisalba ang bansa. Malaking balakid sa pag-unlad ng bansa.

RESEARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with