^

PSN Opinyon

Mga kawatang pulis, dumarami

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALIWA’T KANAN na naman ang pandarambong ng mga masasamang pulis. Viral sila ngayon sa social media­. Tulad na lamang ng anim na pulis Maynila na tumalon sa Makati City at nangholdap ng mga kababaihan at mga balikbayan kamakailan.

At hindi pa umiinit ang mga puwit ng anim na pulis sa kulungan ng Makati City Police Station, nasundan na naman ng halos katulad na pandarambong ng mga pulis ng Eastern Police Station-Drug Enforcement Unit. Malinaw na wala silang katakut-takot kay  PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Bakit kaya?

Hindi lang ang kredibilidad ni Nartatez ang napapansin ngayon kundi maging si DILG Sec. Jonvic Remulla. Kinasasawaan na ang mga patutsada niya sa harap ng media. Nitong mga nakalipas na araw nagpahayag si Remulla na may mga gustong makipag-areglo patungkol na tinuran nitong dalawang mambabatas na nasa likod ng fake cigarrette manufacturing.

Ang nais ng taong bayan sa ngayon ay pruweba at hindi puro patutsada at papogi points lamang. Inip na inip na ang mamamayan na makulong o mapagulong ang ulo ng mga salot sa lipunan na sumisira sa program ng pamahalaan. Palagay ko, nawawalan na ng gana ang mamamayan dahil sa puro satsat sa harap ng media. Ang kailangan ay mabilis na aksyon at hindi puro daldal.

Ang pandarambong ng mga pulis ay dati ng kalakaran sa PNP. Noon pa,marami nang mga kawatang pulis. May mga pulis din na sangkot sa illegal na droga. Kaya nararapat lamang na kumilos sina Remulla, Nartatez at maging si Napolcom chairman Calinisan para linisin at itaas ang moral ng mga kapulisan.

Habang nagpapakaang-kaang ang mga ito sa kanilang malamig na tanggapan, lalong bababa ang pagkilala sa PNP. Ang taumbayan ang nagpapasahod sa mga pulis kaya dapat nilang suklian ng katapatan sa kanilang tungkulin.

Happy Valentine sa lahat!

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with