^

PSN Opinyon

Ang Marites at Si Atty. Annette

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Wala na si Ambet Nabus sa online show naming Marites University. (exit frame na ang lola mo!) Si Allan Diones na ang bagong kasama namin nina Jun Nardo at Rose Garcia. (Ms. Allan Jones!)

Sa isang episode namin, na-mention ni Allan sa kanyang nire-report na naka-chat nya si GMA7 Boss Atty. Annette Gozon Valdes. (o ‘di ba ka-chat levels!) May mga ibang detalye akong gustong malaman sa report nya na ‘di naitanong ni Allan. Kaya nagbiro ako on cam na, “tawagan mo! tawagan mo!” (sabay abot ng mobile phone ko!) Nagkatawanan na lang kami.

Fast forward sa sumunod naming live episode, challenge accepted pala itong si Allan. (pabiba!!!) Naimbitahan nyang mag-live phonepatch si Ms. Annette sa show. (so close sila?!) Napanuod pala ni Ms Annette ang nakaraang episode at sinabing sana raw tinawagan talaga sya on the spot. (palaban si ma’am!)

Ilan sa sinagot ni Ms. Annette ay ang isyung paborito nya si Shuvee Etrata, dahil sa pagtatanggol nito sa bashers. (taray ng tagapagtanggol ni ate!)

“Love ko naman talaga sya, kahit nung nag-i-start pa lang sya sa amin. Napakabait na tao at napaka-humble. Hindi naman sa favorite, lahat naman sila sa Sparkle parang anak ko, lahat ‘yan love ko. Nire-respect ko naman mga opinyon ng tao pero during that time kinorek ko lang, may lumabas na article na pro sya sa pagpapasara ng ABS-CBN but no, super against sya. Kinorek ko lang,” pagpapaliwanag ni Ms. Annette (gusto ko na rin po mag-Sparkle!)

Aminado naman sya na kinikilig sya sa tambalang Caprice at Heath o CapHeath (at ako parang may heat!) “Ang cute nilang dalawa. Tuwang tuwa ako sa kanila.Very wholesome. Very innocent. Kaya kinikilig ako sa kanila, “ paglalahad ni Ms Annette (asan baby Heath ko?!)

Itinanggi naman nya na magkakaroon ng regular show sa Kapuso Network si Ellen Adarna. Nag-post kasi sya ng photo sa socmed na magkasama sila. Nagkamustahan lang daw sila bilang magkaibigan sila at sya pala ang naka-discover noon kay Ellen. (ay pwede nyo po ako i-discover?!) “Close ako kay Ellen. She’s my friend. Hindi lang artist namin, kaibigan ko talaga ‘yan. Catch Up lang ‘yun. Feeling ko pwede sya mag-guest pero ‘yung full time, hindi na,” pagbabahagi ni Ms.Annette. (ay gusto ko kayo maging friends!)

At eto naman ang nasabi nya nang tanungin kung kamusta na si Ellen matapos ang mga pinagdaanan sa buhay may asawa. (si Ms Annette talaga ang tinanong ko about it ha!) “She’s very strong. Palaban na ‘yan nung nakilala ko. She’s even stronger now. “ Pagbibida ni Ms Annette. (ang babaeng may laban?!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

 

UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with