^

PSN Opinyon

Panagutin ang mga ‘Tsinador’!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

MAY bago at delikadong species ng political animal sa Pili­pinas. Ito ay ang “Tsinador”. Hindi endangered. Siyam sila!

“Tsinador” ang tawag sa siyam na senador na nagkaisa, hindi para ipagtanggol ang ating bayan, kundi para huwag suportahan ang isang Senate resolution na kumukondena sa troll-like na atake ng Chinese Embassy laban sa ating mga opisyal na nagtatanggol lamang sa West Philippine Sea.

Nangunguna rito si Senator Robin Padilla, ang tila self-appointed deputy Chinese ambassador. Ayon kay Robin, na-offend daw ang China dahil may cartoon images ni Chi­nese President Xi Jinping sa isang student forum kung saan nagsalita si Philippine Coast Guard (PCG) official Commodore Jay Tarriela. Kawawa naman ang superpower bully.

Samantala, kaliwa’t kanan ang balita na binabangga, tina­taboy, at binobomba ng tubig ang ating mga mangingisda at coast guard. Tahimik si Robin. Walang luha. Walang galit. Sa mata niya, mas masakit ang political cartoons kaysa water cannons.

Nagle-lecture rin si Robin na “huwag maging bastos,” pero siya rin ang nagsusulong na mag-upgrade ang PCG ng water cannons para gumanti. Ano ba talaga, kuya? Ang gulo mo. Ito ang nangyayari kapag inuuna ang putak ng bibig bago ang mag-isip.

Umeksena rin si Senator Rodante Marcoleta. Wala raw coordinates ang West Philippine Sea. Hindi raw niya makita. Naks! Gayang gaya ang litanya ng Chinese Embassy. Mr. Senator, may 2016 UNCLOS arbitral ruling. May Executive Order din. Baka bukas, sabihin mo na gawa-gawa lang ang araw at buwan.

At siyempre, si Senator Alan Peter Cayetano. Hearing­ daw muna bago ipasa ang resolusyon. Kailangan daw mag-imbes­tiga. Anak ng kaldero! Kaliwa’t kanan na ang pambabastos ng Chinese Embassy. Sinampal ka na, gusto mo pa munang alamin kung talagang sinampal ka? Husay!

Mga kababayan, ang “Tsinador” ay hindi lang isang bansag. Isa itong hatol. Isang paalala na ang pagtataksil, kahit nakabalot sa barong at titulo, ay pagtataksil pa rin.

Noong panahon ng Hapon, may Makapili. Ngayon, may Tsinador. Mas modern lang. May social media accounts at mahilig mag-presscon, pero mga traydor pa rin sa bayan.

Kaya tandaan ang siyam: Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Chiz Escudero, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla, at Joel Villanueva.

Kung pinili nilang kumampi sa mga dayuhang sinasakop ang ating teritoryo, piliin nating panagutin sila at isumpa ng kasaysayan.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with