^

PSN Opinyon

Binalatan nang buhay ang pekeng wolf ng Chinese Embassy

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

KINUYOG at tila binalatan nang buhay si Jing Quan, ang bagong ambassador ng Chinese Embassy sa Pilipinas, ng pinagsamang boses at paninindigan nang maraming public officials, advocacy groups, at ordinaryong mamamayan dahil sa mga atake nito sa ating government leaders sa usapin ng West Philippine Sea.

Tinutulak ng bagong Chinese ambassador ang tinatawag na “wolf warrior diplomacy,” isang agresibong paraan ng pagsusulong ng kanilang interes gamit ang combative rhetoric, coercive behavior, at pagpapakalat ng fake news. Katulad ito ng kanilang kondukta sa Japan noong nakaraang taon, kung saan naiulat na binantaan ng isang Chinese diplomat na pupugutan ng ulo ang Japanese Prime Minister kaugnay ng isyu ng Taiwan.

Pero wa epek ang pagtatahol ng pekeng wolf ng Chinese Embassy. Wala itong nakumbinsi o natakot. Ang West Philip­pine Sea ay nakabatay sa international law at 2016 UNCLOS Arbitral Ruling. Ang fans lang ng embassy ay ang Duterte karton network, na matagal nang lantad na mga traydor.

Patunay, nitong Lunes, 15 senador ang nagsanib-puwersa at pumirma sa isang resolusyon upang kondenahin ang pakikialam ng Chinese Embassy sa ating internal affairs at ang mga atake nito sa ating mga public servants. Hindi naka­pagtataka, ang mga hindi pumirma ay mga alyado ng mga Duterte, lalo na si Senator Rodante Marcoleta, na tila nag-aabogado na rin para sa China.

Nanawagan naman ang Akbayan Party sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantalang bawiin ang 14-day visa-free entry na ipinagkaloob sa mga Chinese tourists bilang makatwirang tugon sa pambabastos ng Chinese Embassy.

Tanong ni Akbayan President Rafaela David, bakit reregaluhan ng visa-free entry ang isang bastos na foreign entity na nagkakalat ng fake news sa West Philippine Sea? Aniya, “Filipinos have always distinguished between peoples and governments. Our issue is not with the Chinese people… This call is directed at their government, particularly the Chinese Embassy’s despicable conduct here in Manila.”

Talo na nga sa debateng international law ang pekeng wolf ng Chinese Embassy, pati sa bardagulan sa mga Pilipino, kulelat. Binansagan natin silang “trolls in suits.” Paano sila dumepensa? Exactly like trolls. We rest our case.

West Philippine Sea. Atin ito!

EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with