^

PSN Opinyon

Katotohanan sa korte

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Tinesting nina Leo at Juan ang kanilang bagong tricycle.

Makalipas ang ilang sandali, pinara sila ng ilang kalalakihan sa daan. Sinabi ni Juan, “Pare, parang marami kayo ah!”

Ngunit bigla siyang sinuntok sa batok at doon nagsimula ang gulo.

May isang lalaki ang bumunot ng balisong at sinaksak si Juan, habang ang iba naman ay nagtulung-tulong na bumugbog sa kanya.

Hindi nakagalaw si Leo sa takot. Samantala, nasaksihan ng asawa ni Juan na si Mina at ng kanilang mga anak ang pangyayari.

Lumapit ang anak nilang si Albert at narinig niya si Juan na nagsabing, “Lord, sana mabuhay pa ako.”

Inutusan ni Juan si Albert na bunutin ang balisong na nakabaon sa kanyang dibdib. Sinunod ito ni Albert at itinapon ang kutsilyo sa basurahan.

Walang nagawa ang pamilya ni Juan kundi umiyak habang dinadala siya sa ospital. Sa kabila ng pagsisikap na iligtas siya, namatay rin si Juan makalipas ang ilang sandali.

Sa pagdinig ng kaso, naging pangunahing mga saksi sina Mina, ang kanilang mga anak, at si Albert.

Sa kanilang mga testimonya, itinuro nilang si Arnold ang sumaksak kay Juan, habang sina Carlo, June, at Mario naman ang nagtulung-tulong na bumugbog sa kanya.

Nang mahatulan ang kaso, kinuwestiyon ni Arnold ang pagkakaiba ng testimonya ni Mina sa korte at ng kanyang affidavit sa pulis.

Ayon kay Arnold, sinabi ni Mina sa korte na siya ang sumaksak kay Juan, ngunit sa affidavit ay nabanggit lamang na may ilang kalalakihan ang nagtulung-tulong na nanakit sa kan­yang asawa.

Dahil dito, iginiit ni Arnold na nagdudulot ito ng pagdududa kung sino talaga ang sumaksak kay Juan.

Tama ba si Arnold?

MALI.

Hindi tama ang kanyang argumento. Ang isang affidavit ay hindi inaasahang maglaman ng lahat ng detalye ng pangyayari.

Ang mga pahayag ng saksi ay maaaring magkaiba depende sa paraan ng pagtatanong at sa kalagayan ng saksi noong ginawa ang affidavit.

Ipinaliwanag ni Mina sa korte na ang kanyang kalituhan at matinding damdamin noong panahong iyon ang dahilan ng pagkakaiba ng kanyang mga pahayag sa pulis at sa korte (People vs. Vicente G.R. 142447, December 21, 2001).

KORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with