^

PSN Opinyon

Smuggled na Sigarilyo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI dapat na tantanan ng mga bataan nitong si Acting Philippine National Police chief Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsawata at paglumpo sa mga smugglers na responsable sa pagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa bansa.

Kung nakalusot ang P2.6-bilyong cigarette smuggling sa mga mata ng mga taga Bureau of Customs (BOC) abay ma­raming baga ng mga Pinoy ang malalagay sa balag nang alanganin.

Likas na sa ating mga kababayan na nahihilig sa paghithit ng sigarilyo at dahil sa super mahal na ngayon, ang mga siga­­rilyong gawa sa ating bansa ay napipilitan silang bumili nang mumurahin subalit peke naman.

Kaya ang makakalanghap nito ay siguradong magka-kan­­dabutas-butas ang baga at maapektuhan rin syempre ang ilang organ nang katawan nang bawat naka-langhap ng usok.

Ang matinde pa nito, hindi nagbabayad ng tax ang smug­glers kung kaya’t kahit na mahulihan man sila ng milyun-milyon ay balewala lang sa mga ito dahil kapag nakapagpalusot ng sigarilyo bawi na ang kanilang puhunan.

Kaya dapat kumilos nang todo si Acting PNP chief Nartatez. Huwag tigilan ang pagdakma sa smugglers at pagkumpiska sa mga sigarilyong puslit.

Sa tingin ko, mukhang makipot ang mga mata ng mga taga-BOC dahil sa totoo lang conti-container na ang nahuhuli ng mga doberman ni Nartatez sa Batangas at Malabon.

Kaya dapat na maging masigasig ang pagmamanman ng mga doberman ni Nartatez sa mga nahuhuling cigarette smuggler upang matukoy kong sinu-sno ang nasa likod nito.

Kabilang din kaya ang ilang tiwaling opisyales na namamahay sa BOC?

Kasi nga kung sa dagat lamang pinalulutang ang mga smuggled na karton-kartong sigarilyo, hindi aabot sa conti-containers na kontrabando ang mahuhuli ng mga kapulisan.

Kaya kung nais ni Nartatez na matigil ang mga ito, pag-ibayuhin lang niya ang pagsisiyasat.

Magpakawala rin ng mga espiya sa loob ng BOC upang maamoyang mga kutsabahan ng smugllers at mga tiwaling kawani.

Kung sabagay ayon ditto sa aking mga kausap, hindi naman lalawak ang operasyon ng cigarrete smuggling kung walang matataas na opisyal ang nakapatong.

Kaya hindi dapat papogi points lamang itong pagkadakma ng pulisya sa mga pekeng sigarilyo.

Oras na maipakalat ito sa mga lalawigan siguradong, paldu-paldong datung ang mapapasakamay ng mga smugglers at ang magiging kaawa-awa rito ay itong mga mahihirap na kababayan.

Maging ang Department of Health ay dapat na magpakalat din ng mga espiya dahil kapag nagkasakit ang mga humihithit ng pekeng sigarilyo tiyak na magiging problema rin ng DOH.

Kilos pa PNP pa tuluyang masawata ang mga smuggler ng sigarilyo.

NARTATEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with