^

PSN Opinyon

Iwasan ang altapresyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, hindi maiiwasang kumain ng mga matataba at mamantika. At sa mga okasyong ito may mga dumaranas ng high blood pressure.

Dalawa ang dahilan kaya nagkaka-altapresyon:

Una, namana ito sa mga magulang.

Pangalawa, nakuha ito sa maling pamumuhay tulad ng paninigarilyo, pagiging lampas sa timbang, pagkain ng sobrang alat at matataba at kulang sa ehersisyo.

Mayroon pang ibang mga dahilan na puwedeng magpataas ng inyong presyon gaya ng pagpupuyat, kulang sa tulog, laging nagagalit, sobrang init ng panahon, at sakit sa bato.

Ang blood pressure na 140 over 90 ay altapresyon na. Ngu­nit kapag pagod, nagalit o nag-eehersisyo, tataas din ang presyon pero hindi ibig sabihin, high blood na.

Dapat ang pagkuha ng blood pressure ay kung nakapahi­nga na at relaks na relaks.

Ang pinakamainam na blood pressure ay 120 over 80. Kung mas mababa pa rito ay mas lalong mainam.

Pero siyempre, ayaw nating sobrang baba ang inyong presyon dahil baka senyales din ito ng mahinang puso.

Kadalasan, walang nararamdaman ang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na “silent killer” ang high blood pressure dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente, wala pang nararamdaman.

Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas, tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo. Mapalad ang taong may sintomas dahil mas maaga silang nakapagpapa-checkup sa doktor.

Ang mga kumplikasyon ng high blood ay stroke, pagkabulag, sakit sa bato at atake sa puso. Magpatingin agad sa doktor kapag ang blood pressure ay lampas 140 over 90 para malunasan.

BAGONG TAON

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with