^

PSN Opinyon

Tips para lagging may lakas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung pakiramdam mo ay lagi kang pagod at nanghihina, ilan sa mga dahilan nito ay stress sa trabaho, problema sa pamilya, at iba pa.

Gusto nating labanan ang pagod at panghihina. Narito ang ilang payo para magkaroon ng lakas:

1. Pagkagising, bigyan ang sarili ng extra 15 minutos. Para magdasal, mag-stretching, at mag-isip o magmuni-muni.

2. I-plano ang gagawin sa maghapon, maari itong ilista.

3. Para may lakas, kumain ng kumpletong almusal gaya ng carbohydrates tulad ng tinapay o kanin. May protina rin sa itlog, tapa at manok. Samahan ng prutas tulad ng saging at mansanas. Iwasan ang matatamis.

4. Kung kaya maglakad o umakyat ng hakdan sa trabaho, gawin ito. Dahil ang exercise ay nagbibigay ng energy sa buong araw habang nasa trabaho. Puwedeng gumalaw-galaw din habang nakaupo o may ginagawa, para gumanda ang sirkulasyon ng dugo.

5. Sa trabaho, sundin ang inilista at maari nang gawin ng isa-isa at mag-focus. Isipin ang pinaka-importante at unahin ito. Ganoon din pag-uwi sa bahay.

6. Ayusin ang bahay para maging maganda ang nakikita. Maglagay ng maraming makukulay at kaakit-akit sa bahay dahil nagbibigay ito ng energy. Kapag maaliwalas ang naki­kita, maaliwalas din ang pag-iisip

7. Maligo bago matulog para presko ang pakiramdam.

8. Sa bawat gabi, humiga ng parehong oras para masanay ang katawan sa pagtulog. Puwede ang anim hanggang walong oras na tulog. Puwede rin makinig ng music para ma-relax.

9. Bigyan din ng bakasyon o ipasyal ang sarili kung ma­tagal ng hindi nakaka-alis.

10. Mag-isip ng magagandang bagay o positive thinking. At isiping magagawa mo ang mga bagay para may kumpiyansa sa sarili.

Iba pang tips pangkalusugan:

1. Uminom ng sapat na dami ng tubig, lalo na bago kumain – Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng 2 tasang tubig (500 ml) kada 30 minuto bago kumain ay nakababawas ng timbang.

2. Limitahan ang pag-inom ng matatamis – Ang matatamis na inumin ay posibleng magresulta ng pagiging mataba, pagkakaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso. Kahit ang mga fruit juices sa bote ay hindi gaanong healthy dahil naglalaman nang maraming asukal.

3. Kumain ng isda tulad ng tamban, dilis, sardinas, bangus, tuna at salmon – Ito ay mapagkukunan ng mataas na kalidad na protina. May healthy fat na omega-3 fatty acids at iba pang mga nutrients. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng isda ay may mas mababang panganib kabilang ang sakit sa puso, dementia at depression.

4. Masustansya ang mani – Ang mani ay puno ng magnesium, vitamin E, fiber at iba pang nutrients na maaari makatulong sa pagbawas ng timbang at panlaban sa sakit. May ilang katibayan din na maaaring magpalakas ng metabolismo. Piliin ang mani na walang mantika at konti lang ang asin. Hanggang 1 ounce o isang dakot lang ang kainin.

5. Iwasan ang junk food at processed foods – Kumain ng sariwang pagkain. Ang processed foods ay karaniwang mababa sa fiber, protina at micronutrients at mataas sa asukal. Kaya, halos wala itong sustansya.

6. Alagaan ang tiyan sa pamamagitan ng pagkain ng mataas sa fiber at mga probiotics – Ang bacteria sa tiyan ay nauugnay sa mga malulubhang sakit. Para mapabuti ang tiyan, kumain ng mga probiotic na pagkain tulad ng yogurt at sauerkraut, at pag-inom ng probiotic supplement. Ang mga gulay at mataas sa fiber na mabuti sa tiyan.

7. Limitahan ang mga pagkaing ng mga mamantika at refined carbs tulad ng kanin at tinapay. Posibleng maging sanhi ito ng diabetes.

8. Kumain nang maraming herbs at spices – Ang luya, bawang, sibuyas at turmeric ay maraming benepisyo sa katawan.

TIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with