Engr. Cristina Padua...Mentor sa agrikultura
Ngayong araw na ito ay muli kong ibabahagi sa inyo ang owner ng CRP Hydroponics Rooftop Garden sa Caloocan City na isang Agricultural Engineer, Urban Hydroponics Grower at Mentor sa larangan ng Agrikultura.
Ang aking tinutukoy ay si Engr. Cristina Ramirez Padua na nakatira sa 47 Pag-Asa St., Brgy.130 San Jose sa nasabing lungsod.
Una ko nang naitampok sa kolum na ito si Engr. Padua noong 2023 na nagsisimula pa lamang sa pagtatanim.
Muli ko siyang binalikan at kinumusta at patuloy pa siyang nagtatanim sa kanyang rooftop, pero ngayon ay kumikita na, nagtuturo pa. “Farming is enjoyable and profitable, nakakapagbahagi pa ako ng hiram na tatento mula sa Panginoon” ani Cristina.
Palagian kinukuha bilang resource speaker si Cristina sa iba’t ibang paaralan at unibersidad.
Ang pinakahuling speaking engagement ni Cristina ay ginanap noong nakalipas na dalawang linggo laman sa Polytechnic University of the Philippine sa Quezon City Campus.
Regular din nagsasagawa ng Face to face at Online Basic Hydroponocs Seminar si Cristina.
“Bukod sa pagkakaroon ng pagkain sa lamesa ay itinuturo ko ang Building Income through Hydroponics Farming”, aniya.
Katuwang ni Cristina ang kanyang mister at nag-iisang nilang anak sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.
Na-feature na rin sa ibang TV program si Cristina gayundin sa Agriculture Magazine.
Sinabi ni Cristina, maraming benepisyo ang nakukuha niya sa pagtatanim, una na rito ang pagkawala ng kanyang pagod o stress reliever, makakatipid siya, healthy pa ang kinakain niya ng kanyang pamil-ya at kumikita pa.
Ayon kay Cristina, itinatanim pa lamang niya ang kanyang mga gulay ay may buyer na siya.
“Marami nga po ang nag-aadvance ng bayad sa akin kahit itinatanim pa lamang namin ang mga green leafy vegetables,” sabi pa ni Cristina.
Tips ni Cristina sa mga baguhan pa lang na nagtatanim na i-apply ang TLC o Tender Love and Care sa pagtatanim.
Sa mga gustong matuto pa ng urban farming at nais mapalawak ang kaalaman ng pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng hydroponics na pa-mamaraan ay i-text lamang ninyo si Cristina sa 0908-653-9721.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo sa Pilipino Star Ngayon (PSN) at napanood sa Masaganang Buhay TV at radio show ng Magsasakang Reporter ang kanilang kuwento.
Ngayong Linggo, December 14, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Engr. Cristina Ramirez Padua sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Chan-nel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















