^

PSN Opinyon

Bakit lumalaki ang bilbil?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung overweight at kulang sa ehersisyo, puwedeng lumaki ang bilbil. Ano ang mga gagawin para mapaliit ito?

1. Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakain.

2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.

3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay dala­wang tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.

4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.

5. Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang apat na beses kada linggo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hang­gang isang oras.

6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches.

7. Magkaroon ng tamang posture. Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.

8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil.

9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pagdating ng tanghalian at mapa­parami ang iyong makakain.

10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil.

11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.

12. Kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.

13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.

14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat.

15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil.

OVERWEIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with