^

PSN Opinyon

Ang gagamba at ang langaw: babala sa mga maka-China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Ang gagamba at ang langaw: babala sa mga maka-China

NAGPAYO si Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa mga maka-komunistang China. Pumulot daw sila ng aral mula sa 1829 tulang pambata ni Mary Howitt ng Glou­cestershire, England. Ginamit ni Enrile ang aral sa sariling karir bilang abogado at pampublikong opisyal:

Pinapapasok ng gagamba sa kanyang parlor ang langaw. Paikot na hagdan paakyat doon kung saan maraming maki­kitang kaakit-akit. “Ayoko,” sagot ng langaw, “Lahat daw ng umakyat sa hagdan mo ay ‘di na nakita muli.”

“Tiyak pagod ka na, kaibigan, magpahinga ka muna sa parlor ko. Kurtina ang paligid, malambot ang kama, manipis ang kumot,” sabi ng gagamba. Tumanggi muli ang langaw, “Lahat daw ng nahiga sa kama mo ay ‘di na bumangon muli.”

Muli nang-akit ang gagamba na masarap umano ang pag­kain sa parlor niya. Muli rin tumanggi ang langaw, maski isang subo man lang.

“Marikit at matalino ka,” pinuri ng gagamba ang langaw, “Makinang ang pakpak at maganda ang mata mo. Tumingin daw sa salamin ng parlor niya para makita ang sarili. Ayaw pa rin ng langaw, at nagpaalam na aalis na.

Tumalikod at pumasok sa parlor ang gagamba. Mula roon naghabi siya ng sapot. Alam niyang babalik ang langaw.

‘Di nagtagal bumalik nga ang langaw. Umawit ang ga­gamba nang maraming papuri. Unti-unting lumapit ang langaw.

Biglang nalambat ang langaw sa sapot. Dinamba siya ng gagamba at kinaladkad papuntang parlor. ‘Di na naba­litaan muli ang langaw.

Inuuto ng Komunistang China ang marurupok na tao. Binibilog ang ulo, iniimbita bumiyahe, sinusuhulan.

Kapag nabitag na, ginagamit silang propagandista laban sa interes ng sariling bansa. Nakakahiya! Buong angkan masisira ang reputasyon.

LANGAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with