^

PSN Opinyon

Mga gamit sa paligid: pansinin, kapain

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Mga gamit sa paligid: pansinin, kapain

BIHIRA lang pansinin ng tao ang kagamitan at bagay sa paligid niya.

May damit siya dahil naimbento ang paghabi ng tela. May muwebles siya dahil pinutol, kininis, at pinagkabit ang mga pirasong kahoy. May kalsada’t tulay, gusali’t bahay kasi hinalo at nilatag ang konkreto. May kotse, barko, at eroplano dahil minina ang krudo at hinulma ang bakal. May baso’t pinggan kasi kinortehan ang kristal at ceramic.

Iba’t iba ang katangian ng mga ito. Ang tela ay nagugupit at nasusulsi, pero maaring mapunit, mabutas, masunog.

Ang kahoy ay maaring malagari, mapako’t tornilyo, at ma­­pagdikit. Pero naluluma at nabubukbok.

Matibay ang konkreto kung tama ang paghalo ng semento at apog, at ang pagpapatuyo at tigas. Pero maari pa ring tibagin ng maso o paguhuin ng lindol at labis na bigat.

Matibay ang bakal. Pero nayuyupi – nalulukot pa nga na parang papel – kung mabangga ang kotse, sumadsad ang barko, at lumagapak ang eroplano. Nalulumpo, namamatay ang mga sakay.

Napakarikit ng basong kristal, mala-nota ang tunog kapag pinitik. Napakainam gamitin ng plato’t bandehado sa hapag kainan. Pero mahinang tama lang sa matigas na bagay, tulad ng gripo, basag agad. Hindi na maipagdidikit-dikit muli. Itatapon na lang.

Hindi pinapansin ang tatlong uri ng plastic. Polyurethane ang ginagamit sa foams, spongha, coatings, at pandikit. Poly­ethylene ang ginagawang bote, supot, envelopes, folders, tubo, xray at movie films.

Polypropylene ang mga laruan, sisidlan, bumpers ng kotse, cabinets, appliances, carpets, sutures, at medical implants.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

GAMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with