^

PSN Opinyon

Divorce bill

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTATAKA kung bakit muling pinag-aaralan ng Kongreso ang divorce bill para isabatas. Ito’y nadisaprubahan­ na dati pero kailangan daw talagang isabatas para bigyan ang mag-asawa ng mapapagpilian upang makaalis sa ‘di matitiis na kalagayan.

Ayon sa Saligang Batas, ang kasal ay isang institusyon na hindi dapat sirain. Sapagkat ito ang pundasyon ng pa­milya na siya namang pundasyon ng bansa. Meron nang batas (Family Code) na naggagawad ng remedy o sa mga di matitiis na kasal at pagsasama. Ito ay ang nagpawalambisa sa mga kasal na may pagsasamang di matitiis. Ito ay Family Code, na kinakailangan lang na baguhin.

Sa ilalim ng batas na ito binibigyan na ng karapatang mag­hiwalay ng legal ang mag-asawa kung di na matitiis mag­sama, tulad ng mga sumusunod (1) paulit-ulit na pambu­bugbog o pag-abuso sa asawa; (2) marahas na pagpilit sa asawa o anak, na maging puta; (3) pagkulong sa asawa ng mahigit anim na taon; (4) tangkang pilitin ang asawa na palitan ang pananampalataya o relihiyon at pulitiko; (5) pagtago ng pagiging adik o lasenggo, lasengga; (6) pagtago ng pag­ka-bakla o pagka-tomboy; (7) nag-asawa muli habang kasal pa o bigamya (8) mga pagtataksil sa asawa; (9) pagsira sa karangalan ng asawa na walang dahilan (Article 55 FC).

Ang diborsyong minungkahi ay tinatawag na ganap na diborsyo (absolute) ay talagang ‘di na kailangan. May mga batas­ nang naggagawad ng sapat na remedy o para makaalis sa ‘di matitiis na pagsasama. Nagbibigay ito sa isang tapat ma­lupit na asawa na makaiwas sa kanyang kalupitan para makapag-asawa muli. Ang mga anak ay nilalagay sa pinakamahirap na kalagayan at tinuturuan din ito na ituring na balewala ang kasal.

Kilala talaga ang Pilipino sa buong mundo na isang tapat na asawa. Kaya ang bagong batas na pinag-uusapan muli ay magsisira na reputasyong ito. Binibigyan ang mga mag-asawang tapat ng madaling paraan upang basagin ang pagsasama kaya ito nagbubukas ng pinto na mabasag ang relasyon at pagsasama tulad ng kasal at pagsasama tulad ng nangyayari sa ibang bansa. Kaya pagpinasa ito ang pag-ibig ay di magiging desisyon kundi emosyon na lamang.

BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with