^

PSN Opinyon

Mananatili ang BRP Sierra Madre

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAG-POST ang South China Morning Post (SCMP) ng video kung saan hinila umano ng Chinese Coast Guard (CCG) ang BRP Sierra Madre matapos ang komprontasyon sa mga tauhan ng militar ng Pilipinas na nakatira sa barko.

Ngunit pagkatapos panoorin ang video ng ilang beses, tila ito ay mga lumang video na dinugtong-dugtong. Sa ma­da­ling salita, fake news ito. Itinanggi ito ng Philippine Coast Guard (PCG). Si Commodore Jay Tarriela mismo ay inilarawan ito bilang bahagi ng kampanya ng maling impormasyon ng China laban sa bansa.

Natitiyak ko na kung tatangkain ng CCG na hilahin ang BRP Sierra Madre, ang mga nakasakay ay lalaban, gaano man sila kadehado. At maririnig ito ng buong bansa. Maalerto ang AFP upang harapin ang iligal na pag-alis ng barko. Sigurado lahat ng media ay nandiyan din.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakalat ang Beijing ng fake news tungkol sa BRP Sierra Madre. Sinabi nila na may kasunduan na kusang alisin ng gobyerno ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Itinanggi ni Pres. Bongbong Marcos Jr. na may kasunduan­, sa gitna ng mga panawagan sa nakalipas na adminis­trasyon na umamin kung may kasunduan nga. Kilala si dating President Duterte sa pagiging malapit sa China.

Ang BRP Sierra Madre ay isang tinik sa panig ng China. Sadya itong sinadsad sa Ayungin Shoal para itatak ang ating pag-angkin sa bahaging iyon ng South China Sea. Ito rin ang nagsisilbing outpost ng Philippine Marines.

Ang mga misyon sa pag-supply at pagkukumpuni sa barko ay madalas hina-harass ng CCG, gamit ang mga water cannon at pisikal na hinaharangan ang ating maliliit na bangka gamit ang kanilang malalaking coast guard vessel.

Nawalan na ng hinlalaki ang isa nating sundalo dahil sa mga maruruming taktika na ito. Ang sira-sirang barko ay nanga­ngailangan ng pag-aayos upang mapanatili itong buo at maging kumportable kahit papano ang ating mga Marines.

 Gigil na gigil ang China na matanggal ang Sierra Madre. Ngunit manatili ito sa kanyang kinalalagyan. Kaya dapat maging mapagmatyag ang PCG, AFP, at lahat ng Pilipino sa pagtiyak na mananatili ang Sierra Madre sa kinaroroonan nito.

Kung mapatunayang gawa-gawa lang ang video, dapat na maging mas maingat ang SCMP sa pag-uulat nito ng balita. Ang maling impormasyon at disinformation ay walang lugar sa responsableng pamamahayag. Pero hindi na rin ako nagtataka.

CHINESE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with